BOOK THREE - CHAPTER 2
***F L A S H B A C K ***
Happy Birthday to You..
Happy Birthday to You..
Happy Birthday, Happy Birthday..
Happy Birthday Jor-El Shane!!
Nangibabaw ang malakas na palakpakan at hiyawan ng mga bisita matapos hipan ng batang lalake ang maliit na kandilang may iba't ibang kulay. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng HIGANTENG CAKE. Higit na mataas pa iyon sa lumang cabinet namin sa bahay.
Napakayaman talaga siguro ng pamilya nila.
Sabagay hindi biro ang halaga kung papakainin mo ang buong paaralan namin sa dami ng batang nag aaral dito kasama ang mga guro at iba pang mga empleyado. Pero malaki rin ang pasasalamat ko dahil kahit papaano nakasama kami sa napakagarbong handaan na inilaan nila para sa amin. Mula sa kinauupuan ko hindi ko maiwasang titigan ang bawat miyembro ng pamilya ng birthday celebrant. Kaabang abang din ang bawat paggalaw ng bawat isa sa kanila dahil lahat sila mukhang mga artista.
Mula sa kinauupuan ko kalong kalong ko ang anim na taong gulang kong kapatid habang nakikisabay kami sa malakas na palakpakan. Lahat ng mga bisita ay mga batang kapos palad kagaya ko. Isa ang paaralan namin sa napaka swerteng napili para ipagdiwang ang kaarawan ni Jor-El Shane Ang Gonzaga. Ang pamangkin ng sikat at napakabait na modelong pinaka i-idolo ng lahat.. Si Miss Lucky Gonzaga.
Sa murang edad hindi ko maiwasang mainggit o maikumpara ang sarili ko sa katayuan niya sa buhay. Kung pagsasama samahin kaming mga batang naririto angat na angat ang birthday celebrant sa lahat. Singkit ang mga mata, mamula mula ang pisngi at maputi ang balat at napakagwapo na nito sa edad na siyam na taong gulang. Mas matanda lang pala ako sa kanya ng isang taon. Madalas kong makita ang mga larawan niya kapag nagpi-Facebook ako sa pisonet nila Aling Berna. Napapanuod ko din siya sa ilang patalastas noon sa telebisyon at nakita ko na rin ang ilan sa mga larawan niya sa mga magazines dahil modelo din ito ng mga damit na pambata.
"Ate nagugutom na ako." naiinip na reklamo ng kapatid ko sa kandungna ko. Amoy na amoy kasi sa ere ang masasarap na handa dun sa mahabang mesa na puno ng iba't ibang masasarap na putahe. Para kaming nasa piyesta at nagpahanda si Mayor. Hindi rin naman nagtagal pinapila na kaming lahat para kumuha ng pagkaen. Nakakamangha dahil may sarili silang taga pagsilbi para mag abot sa amin ng mga pagkaen.
"Konting tiis na lang makakakaen na din tayo." bulong ko sa kapatid ko habang nakapila kaming dalawa. "Babot, huwag mong kalimutang mag Thank You kapag inabutan ka ng pagkaen." muling paalala ko habang inaayos ko ang kwelyo uniporme niya dahil papalapit na kami kung nasaan ang mahabang mesa na puno ng pagkaen. Nag angat ako ng tingin ng makita kong umusad na ulet ang pila. Unang siyang naubutan ng pagkaen at sa nakita ko mukhang sinunod naman niya ang habilin ko.
"Enjoy you meal." inabutan ako ng dalawang styro ng babaeng nakasuot ng itim na apron at asul na panloob na t-shirt.
"Thank you po." nahihiyang sagot ko. Pag alis ko sa pila agad kong iginala ang mga mata ko baka sakaling nasa paligid pa si Ma'am Lucky Gonzaga. Inaasahan ko pa namang siya ang mag aabot ng pagkaen sa amin tulad sa naunang pumila para mamigay ng pagkaen. Inakay ko nalang ang kapatid ko pabalik sa pwesto namin kanina.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Teen FictionContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.