LUKE'S POV
"M-Mum?" napaatras ako ng bahagya ng mamukhaan ko ang suot niyang itim at pamilyar na leather jacket. Kahit medyo madilim hindi ako pwedeng magkamali. Kabisado ko maski ang anino niya mula pa pagkabata.
"M-Mylove." mangiyak ngiyak siyang napatayo. "I miss you so much my son." agad siyang napayakap at parang batang sumabit sa leeg ko. I miss you too. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil hindi ko man lang maibalik ang higpit ng mga yakap niya.
"Mum, what are you doing here?" pilit kong pinaka casual ang tunog ng boses ko.
"Wala man lang Hi, Hello, I miss you Tita Lu?" nakangusong sagot niya. Pinanatili kong blangko ang facial expression ko. "I'm here 'coz I miss you my love."umikot ang mata niya at tila nawalan ng gana ng mabatid na hindi ako ganun ka interesado.
"How did you find me here?" Iniwasan kong magpakita ng kahit anong kahinaan na pwede niyang gamitin laban sa akin.
"You know I always find you love."pinisil niya ang kanang pisngi ko."Remember we used to play hide and seek when you were a little?" malambing na kwento niya. As I i expected. Alam kong paraan niya lang iyon para lumihis sa tanong ko. Sometimes my mom's innocent style of arguing can be fatal and my dad is my living proof. Mukhang naiintindihan ko na kung bakit palagi silang nagtatalo ni daddy.
"Then lets get back to my question.. Mum, how did you find me here?" napanguso lang siya at nag iwas ng tingin.
"I-Its not that important. Can we sit?" nakangiting tugon niya at binalewala ang parin unang tanong ko. Hindi ko maiwasang kainisan ang sa sarili ko.
"How!?" naiinis na sagot ko. Imposibleng si Jor-El dahil may usapan na kami. At lalo namang mas malabong si Henry.
"Ma'am Lucky!"
Sabay kaming napalingon ni Tita Lu sa dalawang papalapit na lalaki. They both look familiar. May hawak na cellphone ang isa sa kanila na may on-going call pa. Napailing nalang ako ng maalala ko kung saan ko sila unang nakita. Sigh.
"That's okay. Sabihin mo tatawag nalang ako mamaya." pormal na sagot niya sa mga ito. Napatango ang lalaking may hawak ng cellphone bago sila tumalikod.
So, all this time tama naman pala ang kutob ko.
"P-Paano nalaman ni daddy---" hindi ko na itinuloy ang dapat kong sabihin.
"You made a bank transaction this morning. Pina trace ng daddy mo and then--- you know how things work." naiinip na tinapos niya agad ang sinasabi. Muntik ko ng makalimutang ang ugali niyang tamad na magpaliwanag o magkuwento.
"I see.." napangising sagot ko. My bad. I forgot to cover my own track. I hate to admit but that was a clever idea. Nice job, dad. Sarkastikong komento ko sa sarili.
"Now tell me when are you planning to go home?" Sinenyasan niya akong umupo. Napailing nalang ako dahil sa wakas lumabas din ang totoong pakay niya.
"Why can't you guys leave me alone for a day or two?!" naiinis na sagot ko pag upo.
"I'm worried about you." lumapat ang mainit na palad niya sa ibabaw ng hita ko.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Teen FictionContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.