CHAPTER 3

318 16 0
                                    

BOOK 3 - CHAPTER 3

HENRY'S POV

Naranasan mo na ba magmahal o humanga sa isang taong handang tawirin ang ilog o dagat pati ang mga bundok.... MAIWASAN KA LANG?

Charot! Yun tipong ganun alam mo yun? Diyahe talaga kasi sa unang pagkakataon sa buhay mo na may hinangaan kang isang tao at hindi mo pa man nasasabi ang totoong nararamdaman mo (kahit wala ka naman talagang planong sabihin) iniwasan kana agad na parang may nakakahawa kang sakit?

Ganyang ganyang ang pinagdaanan ko bago matapos ang unang taon ko sa academy. Sa dami naman ng kamalasan sa buhay na pwede kong danasin bakit pati yung pinakatatago tagong pinapangarap ko pa ang idinamay nila?

Alam kong uulanin ako ng iba't ibang pamabatikos mula sa mapanghusgang mga schoolmates ko sa campus. Kung ako lang ang masusunod gusto ko ng lumipat ng ibang school sa takot at kakahiyan.

Nababaliw na talaga siguro ako dahil hanggang ngayon hindi ko parin maiwasang mapangiti kapag naaalala ko kung paano kami pinagtagpo ng mapaglarong tadhana sa mismong lugar na ito...

***F L A S H B A C K***

May tatlong araw na mula ng pumasok ako sa academy. At sa bawat araw naglalaan kaming mga miyembro o scholars ng academy ng isa o hanggang sa dalawang oras sa isang araw para tumulong sa mga gawain ng mga kamag anak o magulang namin sa kaniya kaniya nilang mga trabaho. Hindi naman yun mandatory pero paraan din namin iyon bilang pagtanaw o pasasalamat sa paaralang nagpapaaral sa amin.

Papito pito pa ako habang naglalakad pabalik sa maintenance quarter ng matanaw kong naglalakad si Kuya Romeo (security guard on duty). May dala itong maliit na karton na tinadtad ng maliliit at bilog na butas. Nagtatakang inilapag ko ang mga bitbit kong itim na trash bag sa tabi at inantay ko siyang dumaan.

"Good morning Kuya Romeo saan ang lakad naten?" masiglang bati ko dahilan para mahinto siya sa paglalakad. Mukhang nagmamadali siya dahil kundi ko pa siya tatawagin hindi pa niya ata ako mapapansin. Pa simple ko ring sinilip ko kung anong laman ng kartong dala niya.

"Good Morning Henry!" masayang bati niya rin sa akin at napakamot pa ito sa batok.

"Oh huwag mong sabihin nakahuli ka naman ng kalapati?" biro ko sa kanya. Nung isang araw kasi nakahuli sila ng isang kalapati sa dirty kitchen ng maintenance quarter.

"Ahh---hindi." maagap na sagot nito. "Sana nga kalapati nalang para may kasama na yung nahuli ko nung isang araw." natatawang kwento niya.

"E ano yang nasa loob ng karton?" usisa ko at tuluyan na akong lumapit sa kanya.

"Isang kuting.." nakangiting sagot niya.

"K-KUTING?!" puno ng exaggeration na sagot ko. Noon pa man kahinaan ko na ang mga pusa. Lumapit ako at sinubukan kong silipin sa butas kung totoo nga ang sinabi niya.

"Oo, hindi kasi namin napansin na nakapasok pala kanina."

"S-Sa-Saan niyo y-yan ngayon dadalhin?"nauutal na sagot ko dala ng excitement.

"Dun muna sa quarters baka kasi may gustong mag uwe sayang naman." natatawang sagot niya. "Maganda pa naman mukhang may lahi---"

"KYAAAAAAAHHHHHHHH!" malakas na tili ko. "Ako na! Ako na ang mag uuwe Kuya Romeo! Ako na please!" nagtatalon pa ako sa harap niya at bumunghalit siya ng tawa.

LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon