HENRY'S POV
"H-Henry. Get inside" nakangiting anyaya sa akin ni Sir Jiggen.Ngiting hindi umabot sa singkit nitong mga mata. Mga matang tagusan kung tumingin. Dumagdag pa ang dalawang inosenteng pares ng mga matang nakatitig sa akin ngayon. Hindi maikakaila ang awa at pag aalala sa mga titig nila tulad ng sa daddy nila.
Pinangatugan na ako ng tuhod, pati kili kili ko ramdam kong unti unti ng naglalawa sa matinding pagpapawis dahil sa sobrang kaba.
"S-Ser--ano po kasi.." hindi mapakaling paliwanag ko. Hindi ko alam kung papaano ako tatanggi na hindi ko kailangang isatinig ang bagay na ikinababahala ko.
"Ate Henry c'mon!" masayang aya ni Ya-El sa akin at sumesenyas na sumakay ako.
Laking gulat ko ng bumaba pa ito at inalalayan ako papasok sa loob. Ngunit hindi iyon naging madali para sa akin, para akong pupulikatin sa bawat paghakbang ko. Bahagya akong napakapit sa bukana ng pinto bago ako humakbang papasok.
"Ser, ano po maglalakad nalang po ako." senyas ko sa daan pauwe sa amin. Hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi ng hindi ako nauutal pero hindi ito ang tamang oras para panawan ako ng kompyansa lalo na sa sitwasiyon ko.
Hindi kakayanin ng kunsensiya ko na marumihan ang loob ng sasakyan nila idagdag mo pa ang umalingasaw amoy ko galing sa pamamasura.
Paulit ulet akong napapailing habang patuloy akong nakikipagtalo sa sarili.
“H-Henry, what’s wrong?” nag aalalang tanong ni Sir Jiggs.
Gusto ko ng maglaho sa kahihiyan. Bakit sa dami naman ng araw na pwede nila akong makita sa ganitong araw at kundisiyon pa talaga?
“Henry, what are you doing? Get in..” inengles ng hilaw na intsik na kuya mong si Luke.
Nginiwian ko lang siya ng nguso. Siya lang ang nakaka alam ng hectic na schedule ko every weekends, imposibleng hindi siya na orient kung gaano ako ka-busy tulad ni Ma’am Lucky Gonzaga?! Gigil niya ako.
"Siguro mas mabilis kung sasabay ka na sa amin." Natatawang sabat ni Sir Jiggen.
"S-Ser--ano po kasi." paulet ulet kong hinihila ang marumi kong suot para iparating ang ibig kong sabihin dahil hindi ko masabi iyon ng derecho sa harap nila lalo't titig na titig sila sa kabuuan ko.
"We don't mind, Ate Henry." pagitna ni Ya-El ng muling bumaba. At sa pagkakataong ito hinawakan na niya ako sa isang kamay at inalalayan papasok sa loob ng magarang itim na van. Nagawa pa nitong harangan ng sariling palad ang ibabaw ng ulo ko para hindi ako mauntog pagpasok.
"T-Thank you ser." hilaw na tawa ko. Inirapan agad ako ni Luke ng magtama ang mata namin. Kaya napili ko nalang tabihan sa likuran si Kal-El na itinuturo ang isang bakanteng upuan sa tabi niya.
Alangan akong napalingon sa harap pagkaupo kung saan nakangiting nanunuod si Sir Jiggen sa amin.
"All right kiddos, buckle up!" anunsiyo ni Sir Jiggen at nadinig ko ang magkakasunod na tunog sensyales na nag lock na ang pinto maging ang mga bintana.
Tila may switch naman na nag ON sa loob ng katawan ko. Unti unting bumilis ang paghinga ko kasabay ng pagtalas ng bawat pandama ko. Kinalabuutan ako ng matindi ng dumampi sa balat ko ang malamig na hangin sa loob. Ilang ulit ring kumibot-kibot ang ilong ko ang sariwang amoy na apple cinnamon sa loob ng mamahaling sasakyan.
Para akong napapraning maski ang bawat paghinga, pagkaluskoks o ang paggalaw ng bawat isa sa kanila ay ramdam at dinig na dinig ko.
"Ate Henry, I miss you!"
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Teen FictionContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.