CHAPTER 12

184 8 11
                                    

JOR-EL'S POV

My mind went blank right away. Binalot kami ng ilang sandali ng katahimikan at aaminin kong hindi ako kumportable. Hindi na ako, mapakali sa kinatatayuan ko at gusto kong humabol kay Tita Lu pero nag aalalangan ako. Damn it!

"D-Don't." malamig na wika ni Luke pagkahawak ko palang ng doorknob. "Tita Lu is not going anywhere unless---"

"Unless what?!"  pagalit na sagot ko pagharap ko sa direksiyon niya.

"C'mon Jor-El cut the shit!" naiiritang sagot niya bago pabagsak na napaupo sa kama.

Naiilang ako sa "awkwardness" sa pagitan naming dalawa. He used to be my bestfriend for christ sake. Ngayon parang estranghero kung ituring namin ang isa't isa.

"Then what do you want me to do? Hayaang kong umalis si Tita Lu ng dahil sa akin?" hindi ko na kontrol ang sarili ko at napagtaasan ko na siya ng boses.

"Just stay and obey what Tita Lu wants us to do."  Sagot niya sa pinakamahinahong tono. Napasabunot pa siya sa ulo mapayuko bago itukod ang parehong siko sa magkabilang tuhod.

I know he's upset. I am too. Pero anong magagawa ko ngayong naipit na kami pareho. Inaasahan ko namang aabot kami sa ganito,  ang hindi ko lang inaasahan na gagamitan kami ni Tita Lu ng ganitong klaseng istilo. Hindi maikakailang kapatid nga siya ng daddy ko. 

"You're food is getting warm." matamlay akong lumapit sa couch at naupo. Nag angat siya ng tingin at parang ako ang pinaka walang kwentang bagay na nakita siya loob ng kwarto.

"Is that what you really here for?" kunot noong tanong niya. Umikot lang ng mga mata ko. Sa ugali niya ano pabang ibang inaasahan ko. He's still the same Luke that I grew up with. Very hot tempered.

"I'm only here to bring you food what do you expect?" masungit na sagot ko. "And please  don't get mad at me kung sumabay ka lang sana mag dinner sa amin kanina wala tayo sa ganitong sitwasiyon ngayon." sumbat ko sa kanya. Kung hindi lang talaga ako nahihiya kay Tita Jack si Ya-El nalang pala sana ang pinapunta ko dito kanina.

"At ako pa ngayon ang galit sayo?" hindi makapaniwalang sagot niya habang nakaturo sa sarili. "Bro, hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan sayo?" natatawang sagot niya na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Tumayo siya at lumapit sa mesa kung nasaan ang dala kong pagkaen. "Almost four years Jor-El.. Kahit simple text na "Hi" o "Hello" wala akong nakuhang sagot galing sayo. Tapos sasabihin mong ako pa ngayon ang galit sayo?"  litanya niya habang hinahalo ang soup sa bowl.

"Hindi mo maiintindihan ang sitwasiyon ko dahil wala ka sa posisyon ko." depensa ko sa sarili. Anong alam niya sa nararamdaman ko para ibalik niya sa akin ang tanong.

"Then enlighten me." bitbit ang bowl umupo siya sa isang couch sa tapat ko. Kalmado pero hindi ibig sabihin ibababa ko na ang depensa ko.

"You know its too late bro." casual na sagot ko na ikinataas ng gilid ng labi niya na parang nang iinsulto.

"You're still such a cry baby Jor-El." sarkastikong sagot niya pagkatapos sumubo ng pagkaen.

"You know I'm not!" napipikong sagot ko. Naramdaman ko ang pagkalat ng init a buong mukha ko dala ng matinding pagkainsulto.

"Then prove me wrong. Just tell me what's really bothering you all this years." hamon niya. Alam kong kahit kailan hindi ako mananalo sa kanya pagdating sa ganitong bagay. He's too skilled.
Masiyadong malayo ang agwat namin pagdating sa pakikipag debate. Hindi ako kagaya niya na kayang i-express ang sarili ko ng ganun kadali. Mula ng umalis sila  almost fuur years ago nagkaganito na ako. "I'm waiting Jor-El.."  tumaas ang isang kilay niya at inaantay ang isasagot ko.

LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon