HENRY'S POV
"Bayad ko Obet." abot ko ng malutong na bente pesos pagbaba ko ng tricycle.
"Naku, wag na idol!" nakangiting tanggi niya. Ngiting nagpapa cute. Iba na talaga ang ganda ko, lakas makabudol pansin ko lang dzaii.
(Dzaii - pinaarteng bigkas sa Inday or 'day)
"Ano kaba Obet, para ka namang other's 'e pareho pareho lang namang tayong naghahanap buhay." giit ko pa at pilit ko paring iniaabot ang bayad ko.
"Huwag na nga." palis niya ng kamay ko. "Sabi ni Nanay nilibre mo daw siya ng pamasahe sa jeep nung isang araw ng makasabay ka niya pauwe."
"Tss! Maliit na bagay." inarte ko pa. Feeling maputi at lumalaklak ng glutha.
"Okay na idol isipin mo nalang kwits na tayo." sabay kindat habang muling binubuhay ang makina ng tricycle niya.
"Geh geh.. Salamat ingat ka pagbiyahe!" kaway ko habang paatras akong naglalakad. Kapit bahay namin sila Obet at kababata. Sila yung may maliit na pwesto ng tindahan ng isda sa palengke na pinapasukan ko tuwing summer.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang binabaktas ko ang daan papunta sa bahay namin. Huminto ako sandali ng matanaw ko ang lote na kinatitirikan ng lumang bahay namin. Dumaan na ang sampung taon at wala man lang itong ipinagbago. Kami na nga lang ata ang natitirang bahay na hindi napapa renovate sa phase namin.
Ito yung bagay na luma na maraming binago sa murang kaisipan ko. Ang lumang bahay na, natatanaw ko ang saksi sa lahat ng masaya at malungkot na pangyayari sa buhay ko. Dito na ako lumaki at natutong kumayod at dumiskarte.
"Mapapaayos din kita balang araw." sumpa ko sa sarili. Hindi na ako kumatok pagbukas ko ng pinto, nagtuloy tuloy na akong pumasok at dumerecho sa maliit naming kusina. "Oh? Nay ang aga mo atang magising? Diba alas nueve pa duty niyo?" bahagya pa akong napaatras bago mapalingon ako sa naghihingalo naming wall clock. Maygad! Isang malalang kembutan nalang ng mga boarders naming mahaharot na mga butiki at malalaglag na ito sa pagkakapako.
"Hindi na kasi ako makatulog anak kaya naisip kong---"
"Naisip niyong bulatlatin yang mga bayarin natin sa katapusan?" pagtatapos ko habang nakanguso sa mga patong patong naming utility bills. Buntong hininga ang tanging naisagot ni Nanay habang inilalapag ko sa mesa ang dala kong pandesal at pansit para sa almusal namin.
"Magkakatapusan na kasi. Iniisip ko kung saan na naman tayo kukuha ng pambayad sa mga 'to." inipit niya sa tenga ang buhok na humarang sa mukha niya habang nakayuko.
"Huwag niyo ng isipin yun 'nay. May naitatabi pa naman ako yun nalang muna ang gamitin natin pambayad sa kuryente." hinagod ko ang likuran ni nanay at ramdam ko ang bigat sa pagkakabuntong hininga niya.
Napa upo ako sa tapat niya ng kumalam ang sikmura ko sa amoy ng mainit na kape.
"Salamat anak." tipid ang ngiting sagot niya. Kahit malalim ang eye bags at mukhang stress maganda parin ang nanay ko. Hindi man ako biniyayaan ng magandang buhay nabiyayaan naman ako ng magandang nanay.
"A-Ate Henry." pupungas pungas na lumapit si Babot sa tabi ko.
"Oh? Kumaen kana aga aga nakasimangot ka na agad." biro ko na lalong ikinatulis ng nguso niya.
"Ate may kailangan kasi akong bilhin mamaya para sa project namin sa school may pera ka ba?" nakasimangot na tanong niya.
"No problemo amigo!" masiglang sagot ko. "Bukod sa pagba-barker sa rin bangko nagta-trabaho ang Ate mo kaya hindi tayo basta basta mauubusan ng pera!" pabirong sagot ko saka ako dumukot sa bulsa at inabot sa kanya ang baon niya kasama ng isang daan binayad sa akin ni Kier kanina sa pagsama ko pamamasada.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Teen FictionContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.