CHAPTER 25

83 6 10
                                    

HENRY'S POV

Matapos ang kahanga hangang performance ni Ma'am Lucky hindi na mabura-bura excitement at ang ngiti sa labi ko. Paulit ulet na naglalaro sa isip ko ang mga eksena at kanta na nagpakilig at nagpaiyak sa akin ngayong gabi. Ganito siguro talaga kasaya sa pakiramdam kapag nakakapanuod ka ng libreng concert tapos yung iniidolo mo pa yung kumakanta.

Gabing hinding hindi ko makakalimutan habang na bubuhay ako. Sabagay, sino ba naman ang makakalimot ngayong gabi? Ikaw ba naman ang masampal, kinutiya, pinatid para mapahiya tapos samahan mo pa ng pagkadapa sa runway.

And wait there’s more pinagbintangang magnanakaw sa bagay na sadiyang itinapon na sa basura. 

Kung tutuusin napaka low profile ng karakter ko ngayong gabi pero lahat ata ng highlights sinalo ko ngayong araw na ito. Singpait ng iniinum kong imported na black coffee ang mga bagay na narasan ko sa loob lang ng maikling oras. 

"Hoy!"

Napapitlag ako sa gulat na muntik ng ikatapon ng laman ng mamahaling cup ng brewed coffee na hawak ko. 

"Ano kaba!" pinandilatang saway ko kay Ava. 

"Ikaw ang ano kaba!" Natatawa at nanlalaki ang matang tugon niya. "Mapagkakamalan kang baliw at may pangiti ngiti kapa ditong mag isa."

Sabay lapag ng mamahalin niyang pouch sa mesa. 

"Kape lang..” bahagya kong itinaas ang cup sa direksiyon niya.  “Habang abala pa ang lahat sa pagkaen nila." nguso ko sa direksiyon ng mga schoolmates kong abalang abala mag picture sa magagarang pagkaeng nakahain sa mga lamesa nila. 

"I'm bored." nakangiwing sagot nito. Tipikal na Ava Aguinaldo. Walang panahon sa mga okasiyong kagaya nito. Mas gugustuhin niya pang tumambay kasama kaming mga hampaslupang kaibigan niya. Chos! 

Napaisip tuloy ako sa sobrang ganda ng ayos at make up niya ngayong gabi himalang wala man lang nag aaya sa kanyang sumayaw sa engrandeng dance floor na inilaan para sa kanila.

 

"Kung ako ang may ganyang mukha at gown hinding hindi mo ako mapapaupo. Paghaharian ko ang dance floor lahat ng tugtug sasayawan ko." saka ko sinabayan ng pag indak. "A-Arayy!" natigil ako sa pagsayaw saka ako napakamot sa ulo. 

"Nabuang na naman ang Orca!" pandadaot ni Christian saka inilapag ang silver na tray sa tabi ng pouch ni Ava. "At ano na naman yang mukhang yan daig mo pa yung ngumuya ng kamalasan ngayong gabi.. 'noh, Henrietta?" nakangiwing dugtong niya pag upo at sabay dampot sa mamahaling brewed coffee ko. 

"Bored na daw siya." sagot ko na ikinaikot ng mata ni Ava bago magyuko ng ulo at isinandal sa ipinatong na  braso sa mesa. 

LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon