CHAPTER 8

325 11 0
                                    

LUKE'S POV

"I-IM W-WHAT?!" wala na sa sariling sagot ni Vanya. Gusto kong tumawa ng malakas ng makita ko ang kakaibang reaksiyon niya sa sinabi ko. She's totally just like me very short tempered. Kahit si Ya-El hirap naring magpigil ng pagtawa sa nakita. "Kung panget ako ano pang tawag mo diyan sa kasama niyong basurera?" himagsik niya.

"I'm talking about attitude." casual na sagot ko. Tama nga ang mga kinuwento niya kanina basura ang tingin sa kanya ng mga tao dito. "Atleast my GIRLFRIEND---" Humarap ako kay Henry at hinawakan siya sa ilalim ng baba. "--is more BE-YOU-TIFUL inside and out." For a split seconds i lost control of my own thoughts and my action when i stared at her innocent doe eyes. Suddenly I found myself kissing her forehead. Hindi ko yun plinano at lalong hindi ko ugaling manghalik ng kung sino sino. It just happend.

Gusto kong tumawa sa nakakatuwang reaction niya. Para kasi siyang nakakita ng multo in daylight. She's so cute. Tita Lu always told me that beauty isn't about having a pretty face. Its about having pretty mind, heart and soul. Aaminin ko kahit ngayon lang kami nagkakilala magaan na ang loob ko sa kanya. She's kind, simple and very funny girl. Naalala kong ilang beses niya akong napatawa kanina at iilang tao ang nakakagawa sa akin nun.

I know they're all shocked and disgusted by what they saw and heard. Katibayan na dun ang negatibong mga reaksiyon nila. Kahit ako aminadong nagulat sa ginawa at mga sinabi ko. Lumabas nalang yun ng kusa sa bibig ko. Ugaling madalas na kinaiinisan ko sa sarili ko. Madalas hindi ako nag iisip at bigla bigla nalang ako nagbibitaw ng mga salita. Namana ko ang ugaling yun kay daddy sabi ni Tita Lu. Huli na para bawiin ko ang mga yun pero wala akong ibang maisip na dahilan para tigilan na nila ang masamang pagtrato nila sa kanya.

"S-She's your g-girlfriend? How?" she looks really puzzled but more upset. Tumango lang ako bilang sagot. "Are you freaking kidding me?" hindi makapaniwalang dugtong niya at pinamulahan na ito ng mukha.

"I'm not. She's the main reason why i'm here." Napakibit balikat na sagot ko. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa kanya. Gusto ko lang siyang asarin makaganti man lang ako sa ginawa nila. And to add more spice hinawakan ko pa sa bewang ang maswerteng babaeng naging instant girlfriend ko. "Right, tsuma?" Ew! I sound like my dad. Napangiti nalang ako sa babaeng nakatulala parin sa harap ko.

"Wala na talagang mas kakapal pa sa pagmumukha mo mukha mo HENRIETTA!" galit duro niya sa katabi ko.

I was stunned by what i heard. Did i heard Vanya right? Did she really call her Henrietta?

HENRIETTA!

HENRIETTA!

HENRIETTA!

Paulet ulet na nag echo sa pandinig ko ang pangalang yun. Its been a while since i heard that name. Hindi ko inaasahan na sa dinami rami ng lugar sa Carlisle Academy ko pa maririnig ang pangalang yun. I don't even remember when was the last time i heard that name. All i know is that i hate hearing that particular name while growing up.

Ugh! Now my mind started digging some random memories of that girl.

Henrieta. Henrieta. Henrieta.

How could i possibly forget that name? Ang payat na batang babae na may bilugang mukha at mahabang buhok. That girl i bumped into the mens room while hiding from my bodyguards. The only girl who beats me on one stupid party game. No once beats Luke James Ang! Palagi akong nag e-excel sa lahat ng bagay na kinahihiligan ko like school academics, sports, video games etc.. I'm always the best and always number one.

LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon