HENRY'S POV
Sa sobrang taranta ko patakbo kong itinulak ang cart papalayo.
"Grabe bai! Totoo pala talagang may ganung kagagandang tao 'noh?" kinakabahang bulong ko sa sarili. Hindi parin kasi ako maka get over sa mga itsura nila.
Kung kasama ko ngayon si Christian siguradong pagtatawanan ako nun dahil madali akong ma starstruck kapag nakakakita ako ng mga gwapo at magaganda. Hangang hanga naman kasi talaga ako wala namang kasing ganun sa probinsiya namin 'e. Daig pa nila ang mga artista.
Unfair diba? Lalo na ngayon na marami talagang mapanghusgang mga mata. Ang siste o pamantayan kasi ngayon kapag maputi ka MAGANDA ka. Kaya bentang benta ang talaga sa nakararami ang mga produktong pampaputi makasabay ka lang sa uso at masabing maganda sila.
Pero mula ng lumipat ako dito sa Carlisle Academy nagbago ang pamantayan ko. Na realize ko na wala sa kulay ng balat ang tunay na kagandahan o kapugian. Iba't iba pala ang katangian ng ganda depende sa nagdadala.
Una, may mga maganda/gwapo dahil nagkataon lang na bumagay ang kulay nila. inin natin hindi lahat ng mapuputi o may morenong kulay nabibiyayaan ng natural na itsura.
Pangalawa. May mangilan ngilang nabibiyayaan ng pagkakagandang katawan, coca-cola body, patong patong na abs at nag uumbukang muscles. Yun nga lang hindi sila pinagpala pagdating sa mukha (mga HIPON daw sabi ni Christian tapon ulo.)
Pangatlo. Sila naman yung mga tipong sumakto lang ang itsura. Magaling lang umanggulo sa profile picture, mga photogenic pero sa personal tama lang ang timpla ng itsura.
Pang apat. Ang grupo nila Vanya. Kapag makita mo sila mapapakanta ka nalang ng "Na sayo na ang lahat… " ni Ser Daniel Padilla. Yung tipong mapapa SANA ALL ka nalang talaga. Sila yung tipong maganda at makinis mula ulo hanggang talampakan. Walang tapon. Mapapalingon ka talaga. Head turner ika nga nila. Babaeng babae at ang so-sosiyal talaga kumilos. Yun lang bagsak sila sa Good Manners And Right Conduct.
Mas nanaisin mo pa sigurong bumangga ka nalang sa pader kesa makabangga mo sila ng literal. Ilag ang mga schoolmates namin dahil kilala sila bilang mga "Mean Girls" sa campus.
Mean si Courtney.
Meaner si Chloe.
Meanest si Vanya.Para sa akin ang pisikal na itsura magagawan pa ng paraan yan. Pero ang ugali malabo na siguro. So far, wala pa naman akong naririnig na may nagre-retoke ng ugali kung meron man ang swerte nila.
Pero may nag iisang ganda lang talaga yung nakapag patibok at gumising sa masculine side ko. Hahaha! Char!
Si Ma'am Azumi Takenori!
KYAAAAHHHHHH!
Grabe bai! Para siyang anghel sa ganda. Mahinhin, sobrang bait at palangiti pa. Yun yung tipo ng gandang kaiinggitan mo talaga. Nakaka tomboy! Hindi nakakasawang titigan at lalo siyang gumaganda habang tumatagal.
Gandang for all season! Hayst!
Pangiti ngiti pa ako habang nag i-imagine ng marinig ko ang pamilyar na boses at tawanan ng numero unong iniiwasan kong mga estudyante.
Mabilis akong lumiko ng direksiyon at nagtago sa nakahilirang mga vendo.
"Pisti! Isang kandirit nalang nasa kitchen na sana ako 'e." sisi ko sa sarili. Sumilip ako at kasalukuyan silang namimili ng mga fruit platter sa isang malaking refrigerator na gaya ng makikita sa mga supermarket.
"Kaya ang papayat nila di sila marunong kumaen ng kanin sa umaga." bulong ko. "Ako nga nagkanin na ako tapos may pandesal pa, san kapa!"
"How's your weekend Vanya?" saksakan ng arteng tanong ni Chloe. Yung naka braces na pagka arte arte magsalita akala palaging may nginunguya.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Novela JuvenilContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.