CHAPTER 14

167 12 14
                                    

HENRY'S POV

"H-Hey--" lumangitngit ang mahabang upuang gawa sa kahoy ng mapaiktad ako sa gulat ng bigla akong tabihan ni Luke.

"Wuy!" kinakabahang tugon ko. Isang malalang gulat pa magkakalas kalas na talaga 'tong mga buto ko.

"What are you doing here?" natatawnag tanong niya. Nag umpisang maglakbay ang mga tingin niya sa buong paligid. "This place looks great." nakangiti siyang napatingala sa punong sinisilungan namin. Looks great ang alin? Yung view ba ng madilim na creek o yung tunog ng rumaragasang tubig sa sapa?

Pasimple ako umusog papalayo ng upo. Nakakahiya nanggigitata ang itsura ko. Kakatapos ko lang mag igib at naisip ko munang magpahinga dahil tahimik at mas sariwa ang hangin dito.

"N-Nagpapahangin lang." hindi parin nauubos ang nararamdaman kong kaba at pagka ilang sa tuwing kinakausap ko siya. Naiilang ako dahil nahihiya akong kumilos ng natural sa harap niya.

"Salamat pala sa masarap na dinner kanina." pinag krus niya ang mahabang hita at kumportableng sumandal sa upuan. Napaka perpekto talaga ng itsura niya kahit anong anggulo. Ang bango bango kahit gabing gabi na. Maygad, kahit simple at over sizes tshirt lang ang suot niya mukha parin siyang modelong rarampa.

Wala sa sariling napatitig ako sa kinasasandalan niya. Minsan gusto ko din talagang maging kahoy tutal pareho naman kaming marupok. Cheret!

"E'di ngayon naniniwala ka na saking masarap ang BBQ na gawa sa botcha?" hirit ko at siniko ko siya ng mahina sa braso.

"That's not funny." kunot noong sagot niya. "Do you want us to get food poison?" seryosong sagot niya.

Napangiwi na lang ako sa pagiging Best in Patola niya.

Hindi pwede mag joke Luke James Ang?! Kalokang bata.

"Char char lang yun! Sinusubukan lang kita." bawi ko na lang. Binibiro ko lang naman siya para gumaan ang tensiyon na ako mismo ang lumikha. Ewan ko ba kung bakit hindi parin ako masanay sa presensiya niya. Fish tea!

"Ewan ko sayo." masungit na sabi niya habang nagkakamot ng braso.

Galit na galit gustong manakit!?!

"Bakit ba kasi masiyado kang seryoso?" lakas loob na tanong ko. Naitanong ko lang, gusto ko lang malaman kung bakit kalimitan sa mga gwapo masungit at tahimik ang peg 'noh? Kayo ba minsan hindi nagtataka?

"Wala, may na alalala lang akong tao na sablay ding magbiro tulad mo.." nakasimangot na sagot niya. Umarko ang nag mamaasim na kilay ko. Sinasayang niya lang ang angking kagwapuhan niya. Kung lalake lang ako at ganyan ang itsura ko ang dami ko ng dyowa sigurado.

"Napapansin ko lang kasi ang tipid mo na nga magsalita ang hirap hirap mo pang patawanin." bumida na naman ang matabil kong dila. Ngumingiti at tumatawa naman siya pero 89.9% seryoso palagi ang itsura niya.

"Anong gusto mo ngumiti at tumawa ako mag isa, 'di nagmukha naman akong tanga." sarkastikong sagot niya. Gusto kong kalampagin ang kaluluwa niya, yun kung meron nga talaga siya.

"Ang punto ko lang naman wala namang ibang dahilan para hindi tayo maging masaya 'di ba?" pinilit kong ngumiti kahit hindi ko feel. Napahiya na ako ang lakas makahawa ng pagiging negatibo niya. Babala, nababalutan siya ng itim na awra! Ang layo ng ugali niya kay Jor-El na palangiti at palaging masaya.

LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon