***Para sa seshie kong saksakan ng harot.
@JhamGutierrez ayan na..
CHAPTER 1 - HOUSE OF "EL"
JOR-EL'S POV
"Kuya, please don't forget to fetch younger brother this afternoon." Muling paalala ni mommy habang abala sa paglalagay ng pancake sa mga plato namin. "Kung 'di lang kami kakapusin ng oras ng daddy mo mamaya kami na lang sana ang magsusundo sa kapatid mo." May himig na pangungunsensiya pa ni mommy bago kami talikuran para kumuha pa ng ibang pagkaen. Kaasar, hindi naman ako tumanggi ng pakiusapan nila ako ni daddy kaninang umaga.
"Mom! I can go home by myself!" boluntaryo ng kapatid ko at nakuha pa nitong itaas ang isang kamay. "Mom! Mom!" tuloy parin siya sa pagtawag para mapansin.
"Shut your mouth Kal-El." pabulong na saway ko. Pinandilatan ko rin siya sa inis at nginusuan niya lang ako. Ipapahamak pa ako nito 'e.
"You know its not possible young man." agad na kontra ni mommy pagbalik at nilagyan naman ng hotdog at bacon ang mga plato namin. "Masiyado ka pang bata para mag commute bunso. And besides half day lang naman ang klase ng Kuya Jor-El mo kaya masusundo kanya mamaya." dugtong ni mommy na lalong ikinasimangot ng bunso kong kapatid.
"B-But mom." malambing na sagot pa ni Kal-El. Pansamantalang lumambot ang facial expression ni mommy dala ng kakyutan ng kapatid ko.
"No buts young man." Mahinahong tanggi nito at laglag ang balikat na napalingon sa akin si Kal-El. Pasimple ko namang inilabas ang dila ko para asarin siya.
"E bakit si Kuya Ya-El pinayagan ni daddy mag Grab pauwe mag isa?" bu-bulong bulong na sagot ni Kal-El habang nakatungo sa plato niya.
"W-WHAT?!" bumagsak sa mesa ang hawak nitong bowl. Halos lumuwa ang mata ni Mommy at pinandilatan sila sa nalamang balita. "Ya-El kailan pa ako pumayag na mag commute ka mag isa pauwe after school?" namumulang baling ni mommy sa pangalawa kong kapatid na nag angat lang ng tingin ng marinig ang pangalan niya. Hindi man lang ito mukhang apektado at muli nitong ibinaling ang atensiyon sa tablet niya. "Ya-El eyes on me, i'm still talking to you." Ma awtoridad na utos ni mommy.
"Mom, hinatid ka ni daddy sa hospital that time kaya hindi na niya ako nasundo remember?" paalala nito at pansamantalang napatingala si mommy habang nag iisip. Habang ang kapatid ko naman si Ya-EL ay walang kagana ganang pinukulan ng tingin si Kal-El na kasalukuyang taas noo na nakipagtitigan sa kanya.
Funny but sometimes our names sounds like a tongue twister.
Jor-El, Ya-El and Kal-El.
Thanks dad! Sarkastikong sagot ko sa isip.
"A-And when w-was that?" nauutal at hindi makapaniwalang tanong ni Mommy.
"Last three days ago nung may emergency call ka sa hospital." Paalala niya pa bago sumubo ng bacon at walang ganang ngumuya nguya sa harap naming tatlo.
"Jesus Christ! Alam mo ba kung gaano ka delikado ang mag commute mag isa anak?" namumutlang sambit ni Mommy saka ito naupo sa mesa habang sapo sapo ang noo. Tinitigan ko ng masama si Ya-El at umikot lang ang mata nito sa kawalan. Ang bunsong kapatid ko naman ay inabala na ang sarili sa pagkaen.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME, I JUST GOT LUCKY - BOOK 3
Teen FictionContinuation lang 'to.. busy pa si Inday Momo.