26. Iron- Boiling Point 2861°C

257 7 0
                                    

Dedicated to rbln05

|Chapter 26|

"Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga naparito ka sa condo ko?" Inis kong sabi sa taong nasa harapan ko ngayon.

Tulog na tulog pa kasi ako pero naistorbo dahil sa sunod-sunod na doorbell sa condo ko. Ang nakakainis pa doon ay si Kairo lang naman pala. Mang-iinis lang siya, kay-aga-aga ay nandito na naman.

Miss na naman ata ako nito!

"Good morning," bati niya sa akin at binalewala ang pagsinghal ko sa kaniya.

I wanted to curse and shout at him badly but I don't want to exert so much effort. Wala rin naman akong mapapala kapag pinaalis ko siya sito. Panigurado ay hindi rin naman niya ako tatantanan.

Pinatagal ko na nga kanina at hinayaan siya sa labas ng condo ko pero panay pa rin ang katok niya. I don't have any choice but to open the door for him even though I still have my morning face. Ni-hindi pa nga ako nakakapag-mumog pero pinag-buksan ko na siya.

"Anong good sa morning?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Ikaw," aniya saka hindi na hinintay ang sabihin kong pumasok siya sa condo ko dahil pinasok niya ang sarili niya ng kusa. Feeling at home na naman ang bata. "Ang makita ka sa umaga ay good sa akin. Oh well, it's the best morning." anito na nagpangiwi sa akin.

"Banat mo bulok, ano nga kasing ginagawa mo dito?" tanong ko dito pero nilagay niya lang ang dala niyang pagkain sa hapag.

I took off the plate that is covering the food and smelled it. Baka mamaya ay may lason pa. Mahirap na.

"Ang feeling mo, hindi naman kita lalasunin." anito habang nakaupo na sa harap ng hapag.

Wala pa naman akong niluluto na umagahan at kaagad na kumalam ang tiyan ko sa dala niyang pagkain. Hotdog at ham with fried rice ang dala niya.

"Malay ko sa'yo kung anong nakain mo at pumunta ka dito na may dalang pagkain." irap ko sa kaniya.

"Alam kong hindi ka pa kumakain so I brought you that. Well then, happy 3rd monthsary!" anito at doon ko lang naalala kung anong petsa ngayon.

Tatlong buwan na kaming magkasintahan. Akalain mo 'yon, sa tinagal-tagal niyang panliligaw niya sa akin ay tatlong buwan pa lang kaming mag-on. Mas mabuti na rin siguro' yon, sa dalawang taon rin kasi niyang panliligaw ay medyo alam ko na ang takbo mg utak niya.

Muntik ko ng makalimutan na monthsary namin ngayon kung hindi niya lang pinaalala. Upon hearing the word monthsary, I remembered the day when he brought me to a peaceful place we're only the two of us there.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked him when he's too busy in driving.

Kanina pa kami nasa byahe at wala man lang ako kaide-ideya kung saan niya ako dadalhin. This is out of the town already. Malayo na kami sa susyadad base na rin sa nakikita ko sa paligid. We are sorroundex by tall trees along our way.

"Don't worry, Babe. We're just going to have a date, gusto lang kitang ma-solo. Is that okay with you?"

"Kanina pa tayo nasa byahe tapos ngayon mo lang ako tatanungin? Do I have any choice here?" I mocked at him.

"Of course, none. This is my plan after all because I know you're not going with me. Gusto lang naman kitang makasama," wika niya.

I can see his serious face and he's sincere of what he said.

"You can have me alone even in my condo or even inside the mall or just a date inside a restaurant, right?" I asked him.

Umiling lang siya sa akin at hininto ang kotse sa gilid ng kalsada. Wala akong nakikitang mga bahay-bahay sa paligid, mayroon man pero tila ito ay mga tindahan lamang. I can see some vendors of coconut fruit beside.

Battle Of All [Engineer Series #1] SELF-PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon