Dedicated to Algorithmn
(Also thank you for this Lei/ Algorithmn)
|Chapter 15|
Naglakad na ako papuntang comfort room at nag-ayos lang din doon. Nang matapos ay lumabas ako at labis ang pagkabigla ko ng makita ang napaka-pamilyar na anino sa hallway papalabas ng cr.
Nakasandal ang likod nito sa pader at nakapang-de kwatro ang paa habang nakatingin sa akin ng seryoso. Tumingin ako sa paligid para ma-sigurado kong walang ibang tao na makakakita sa amin.
When I assured that there's no other people except from the both of us ay hinila ko siya sa labas ng gymnasium, sa tagong parte kung saan walang dumaraan na mga estudyante o kahit mga professor. Good thing I saw Laina and Kairo listening on the presentation of civil engineering students.
"What are you doing here, Zy? You're putting mylife in danger!" Inis na sabi ko dito.
Hindi siya maaaring makita dito lalo na at guest rin ang mga Sevadero sa seminar na ito. Baka pag-hinalaan nila ako lalo na at alam ni Kairo ang tungkol sa aming dalawa!
Hindi niya ata naiisip na bakabkung anong isipin ni Kairo kapag nakita siya dito. Lalo na ngayon dahil kilala na siya ni Kairo, I'm not sure if Kai still remember him but hey, it's still dangerous. Baka mamaya ay maging alerto si Kairo sa bawat galaw ko kung may kinalaman nga siya sa illegal na ginagawa ng magulang niya.
"I'm watching you," he barely said. Walang reaksiyon akong makikita sa mga mata niya. "They are here," seryosong sabi nito at napapikit na lang ako ng mariin.
"So what if they are here? Dala ba nila ang mga tinatago nila?!" Inis na tanong ko ulit sa kaniya.
"I'm just warning and reminding you of your mission about the Sevaderos," he said that made me cursed out of nowhere.
Damn that mission! I remembered what we talked about the moment Kairo left my condo that day.
Ilan minuto kaming nag-uusap ni Zy dito sa condo ko nang biglang tumunog ang condo ko, hudyat na may tao sa labas. I'm not expecting anyone to come in this hour, except Zy. Sino naman kaya ito?!
Tiningnan ko muna sa may parang maliit na butas sa may pintuan ko at laking gulat ko sa taong nasa tapat ng condo ko. Agad-agad ko itong binuksan at iniyuko ang ulo ng kaunti para sa kaunting respeto.
"Good evening, Chairman." Sambit ko dito saka ngumiti. "Bakit po kayo nandito, Chairman?" I asked, curiousity is killing me.
Hindi naman ngayon ang napag-usapan namin na other time para sa misyon.
"Will you not allow me first to enter your condo?" He asked.
Napapahiya akong gumilid at pinapasok siya. Naiwan ang dalawa niyang guard sa labas ng condo ko. Now I'm with the father and son of Wadford and it's fucking killing me inside.
BINABASA MO ANG
Battle Of All [Engineer Series #1] SELF-PUBLISHED
RomanceBattle of All [Engr. Series #1] Action-Romance Genre Chinlie Jane is a chemical engineer student, the daughter of Anton and Adriana, is a strong independent woman. She never depends her life on someone or anything except from her parents that truly...