N - (He)2s^2p^3

387 15 13
                                    

Dedicated to jess_fymrn

|Chapter 7|

"Isa akong agent," nag-aalinlangan man akong sabihin ay kailangan kong sabihin para payagan niya akong makialam. "Pahiram ako ng baril," ani ko dito pero umiling ito.

"Estudyante ka pa lang Miss, bawal ka dito dahil delikado. Baliw ka ba?" Naiiritang sabi nito sa akin, napa-iling ako dito.

Does he think that I am just playing over here. I'm pretty serious that I can helo them. If they are jist keeping pointing the gun to the holdapers, it won't help. Mas lalo lang nilang tini-trigger ang emosyon ng mga ito.

Inalis ko ang I.D. ko na nakasabit sa aking leeg at inis itong tinignan. "Ayan! Wala na akong I.D. isa akong agent okay?!" Sigaw ko dito at para naman siyang tuta na napabaling sa akin. Pinakita ko ulit ang I.D. ko sa kaniya sa agency at walang anu-ano'y kinuha ko ang baril niyang nasa bewang.

"Miss! Delikado ang ginagawa mo!" Sigaw nito sa akin pero huli na iyon dahil nakapasok na ako ng tuluyan. Naagaw ko ang atensyon ng mga nang-hohold-up sa bangko dahil sa pagpasok ko.

"Sino ka?" Sigaw sa akin ng isang lalaking naka-jacket, may takip ang mga mukha at naka-shades ng itim.

"Ikaw sino ka?" Tugon ko dito pabalik saka sarkastikong nangiti sa kaniya. Apat silang magkakasama at hindi ko mapigilang mainis dahil lahat ng tatlo niyang kasama ay mga tinututukang babae na nagtatarabaho marahil dito sa bangkong ito. "Ganito ba kayo ka-desperado sa pera para lang mang-hold up dito at mang-damay ng inosenteng tao?" Tanong ko dito.

"At sino ka sa tingin mo para pag-sabihan mo kami? Huh?!" Inis na sigaw nito sa akin pero hindi ako nagpapitlag.

Lumapit ako sa kaniya na nagpaatras naman sa kaniya. See how coward he is? Isa lang akong babae pero nang lapitan ko siya ay napaatras naman siya.

"Hawakan niyo 'yang babaeng yan!" Tugon niya sa mga kasamahan niya kaya sumunod naman ang mga  ito.

Buti na lang at nilagay ko muna sa bag ko ang baril para hindi nila akalaing may armas ako. Lumapit ang dalawa sa akin na may hawak na baril pero kaagad kong hinawakan ang kamay niya at humarap sa dalawang kasama pa na naka-abang lang sa akin. Pinaputukan ko ang mga tuhod nila gamit ang baril na hawak ng isang ito.

Namilipit ang dalawang sunod-sunuran doon sa lalaking nakausap ko dahil sa balang tumama sa kanilang mga tuhod. Malayo 'yun sa buto nila para mabalian sila ng buto, sapat lang upang hindi sila makalapit sa akin. Pinilipit ko ang kamay ng hawak-hawak kong lalaki papatalikod sa kaniya at kinuha ang baril nito. Humarap akong muli sa mukhang leader nila at sarkastikong ngumiti dito.

"'Yan ba ang pinagmamalaki mo sa akin?" Tanong ko dito, pinipilosopo. "Ni-hindi man lang ako napagod." Ani ko saka tumingin muli sa dalawang kasamahan nito na namimilipit pa rin dahil sa balang tumama sa may tuhod nila. Umaagos na rin ang dugo mula doon at nakukulayan na ang mga pantalon nila ng sariling dugo.

"Tanga ka ba? Kapag 'yan napatay, makukulong ka! " Sigaw sa akin ng leader at napabuntong hininga naman ako. He even cursed at me and putting my life on hell because of what I did with his accompany. Napailing na lang ako sa kakadaldal niyang wala namang katuturan.

Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakahawak ng mga braso ng lalaking kasama niya kaya napasigaw ito sa sakit. "Kapag hindi mo binalik ang mga perang nakuha mo, babarilin din kita." Pagbabanta ko dito at tinutok ang baril sa kaniya. "Pati itong kasama mo," dagdag ko pa sa seryosong tono.

"Sige! Patayin mo siya, itong inosenteng babaeng hawak ko, pasasabugin ko rin ang ulo." Sigaw niya sa akin pabalik, tinignan ko ang orasan ko at may kwarenta-singko minutos na lang ay next subject ko na.

Battle Of All [Engineer Series #1] SELF-PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon