Dedicated to MaridelObal
|Chapter 27|
"Do you still work in Wadford Agency?"
"Huh?" nagmamaang-maangan na tanong ko sa kaniya.
"I mean, nagtatrabaho ka pa ba sa agency nila Gyzylie?" tanong niya ulit at napahinga ako ng malalim bago nagsalita.
Choose the right words, Chinlie Jane.
"No. I told you, hindi na ako sa kanila nagtatrabaho because I need to focus on my studies." I said to him and he nodded.
Pinagpatuloy namin ang pagkain namin ng tumawag sa akin si Gyzylie. Tumayo ako at nagpaalam sa kaniya.
"I'm just going to answer this," ani ko at saka tumalikod na sa kaniya.
Mas mabuti na ang mag-ingat sa bawat galaw ko. Hindi ko alam at baka ay may nalalaman na si Kairo sa ginagawa kong pag-ispiya sa pamilya niya. Kung pamilya niya nga ba talaga ang mga Sevadero.
Hanggang ngayon ay wala pa ring nagpapatunay sa amin kung totoo ba talaga na anak ng gobernador si Kairo o hindi. We don't have any lead but our parents. Pero kahit ako ay napaghihinaan ng loob na tanungin sila Mama. I don't have a guts to ask them, lalo na at inoperahan si Papa tatlong buwan ang nakalipas.
"How are you?" tanong nito sa akin sa kabilang linya.
"I'm fine, may bago ka na bang balita tungkol sa mga Sevadero?" tanong ko sa kaniya.
Gusto ko ng matapos ang misyon na ito at mamuhay na ng normal. Simula ng akuin ko ang misyon na ito ay limitado lang ang bawat galaw. Hindi ko alam kung may nakatutok na bang baril sa akin ng hindi ko alam at baka maya-maya ay barilin na lang ako. I don't want that to happen but then I don't have any choice. Mabuti na lang at successful ang operasyon ni Papa dahil kung hindi ay aalis na ako sa ahensya.
"Wala pa, hanggang ngayon ay wala pa kaming nakakalap na impormasyon pero may isang tao na kaming napagtanungan. We just need to confront her," anito na nagpakalabog ng dibdib ko.
Ang pakiramdam ko ay ibang iba sa tuwing may nakakalap silang impormasyon. Lalo na ngayon, ako, si Kairo at ang pamilya naming dalawa ang pinag-uusapan.
Nagpilinga-linga muna ako sa paligid dahil baka mamaya ay pumasok sa balcony si Kairo at pinapakinggan ang pinag-uusapan namin ni Zy.
"Ano raw ba?" I asked.
"She's one of the batchmate of Kairo's parents and your parents. Sa tingin ko ay may nalalaman siya dahil noong araw na kinausap ka ng gobernador upang layuan si Kairo ay pumasok siya sa restaurant at kinausap ang gobernador," napaamang ako.
Maaari ngang konektado rin ang taong 'yon, kung sinuman ang sinasabi ni Zy. I just hope... I just hope she will say the truth.
"Do you think she knows something about this?" kumpirma ko.
"I think so," seryosong sambit ni Zy kaya napabuntong hininga ako.
Sawang sawa na akong isipin ang namamagitan sa pamilya naming dalawa ni Kairo. Ilang buwan na kaming ganito at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakukuha ang tamang impormasyon. Isa lang ang inaasahan ko, na sana ay hindi kami magkapatid ni Kairo.
"I have to end the call, Chin. Dad is calling me on his office." nagmamadali ngunit na seryoso na sambit niya sa kabilang linya.
He didn't to my respond and ended the call immediately. Sa tingin ko ay very urgent ang pagpapatawag sa kaniya ng Daddy niya. Napairap ako sa kawalan at saka nagpakawala ng hininga. Mukhang hindi ko kakayanin kapag nalaman ko ang katotohanan sa pagkatao ni Kairo.
BINABASA MO ANG
Battle Of All [Engineer Series #1] SELF-PUBLISHED
RomanceBattle of All [Engr. Series #1] Action-Romance Genre Chinlie Jane is a chemical engineer student, the daughter of Anton and Adriana, is a strong independent woman. She never depends her life on someone or anything except from her parents that truly...