Sulfur- (Ne)3s^2p^4

277 8 4
                                    

Dedicated to TipOfpen

|Chapter 16|

Can't he just eat on their home? Paniguradong mas maraming pagkain na hinain sa mansyon nila dahil sa mayaman sila. Or it was just his excuse? Knowing him, parang gustong palaging nakadikit sa akin, kulang na nga lang na samahan niya pa ako hanggang sa condo ko.

Hindi sa pagiging assumera pero iyon lang ang naoobserbahan ko sa kaniya simula ng payagan kong maging kaibigan si Laina.

I only permitted Laina to be my friend and not him.

"Sige sige, sama ako sa inyo kahit third wheel lang." Sabi ni Laina saka bahagyang tumawa, napairap ako.

Anong thirdwheel, wala naman kaming relasyon ni Kairo. Nanliligaw lang siya. We're not even friends, I guess just blockmate. Alam niya ang pangalan ko, alam ko rin ang pangalan niya. That's our relationship, nothing more and nothing less.

Marami siyang hindi alam sa akin, lalo na sa nakaraan ko. At wala rin naman akong dahilan para pa malaman pa niya 'yun. There are some circumstances that some information about yourself should not be tell to anyone, it's private.

Maraming tinatago ang isang tao at hindi natin alam kung ano ba talaga ang tunay na intensyon nila, kailangan nating maging maingat sa mga bagay-bagay. Lalo na kung ang impormasyon na 'yun ay mag-uudyok sa pagiging talo mo.

"I'm not going with you, I have to go." Paalam ko pero hinawakan naman ngayon ni Laina ang isang braso ko.

"Please, Chin? Magpapaturo rin sa ako sa'yo tungkol sa Alkylation." She made puppy eyes on me, I sighed. Pinag tutulungan na naman nila ako.

Sabi nga ni Mama, kung kaya namang tumulong ay tumulong. There's nothing wrong in helping someone.

"Fine, pero hanggang 6PM lang."

Tugon ko sa kanilang dalawa. Alas-kwatro pa lang naman ang hapon at siguro ay tama na rin ang dalawang oras para maturuan ko si Laina sa Alkylation.

Hindi ko pa naman 'yun masyadong alam dahil nagbasa lang ako tungkol doon, scan lang. Mabuti na rin siguro ito, atleast may kasama akong mag-aral.

"Yey!" Parang bata na tuwang-tuwa naman si Laina, binalingan ko naman ng tingin si Kairo at nakangiti lang siyang titig na titig sa mukha ko.

Ayun na naman ang malakas na tibok ng puso ko nang mag-tama ang tingin naming dalawa kaya umiwas kaagad ako. Kailangan ko itong pigilan na nararamdaman ko dahil maling-mali.

"Stop staring," suway ko kay Kairo dahil nananatili ang titig niya sa mukha ko.

Alam kong maganda ako kaya hindi na niya pwedeng titigan ang mukha ko.

"Hindi ka ba nagsasawa na tingnan ako? Maghapon tayong mag-kasama." Singhal ko sa kaniya pero ngumiti lang ang loko, ayun na naman  tuloy ang malakas na tibok ng puso ko.

"I'm just memorizing every bit of you," tugon niya.

I suddenly felt my cheeks burnt, definitely it's color red!

Battle Of All [Engineer Series #1] SELF-PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon