Chapter Thirty Four :

32.4K 804 40
                                    

A/N : ANNYEONG!! SA POV NI KING..KOREAN ANG GAMIT NA LANGUAGE NILA HEHE
VOTE, COMMENT AND BE A FAN :)

Chapter Thirty Four :

Frost's Pov :

"Kuya, kailangan ba talaga nating pumunta sa korea?"

"Kailangan, para mapadali ang paggaling mo, hindi kasi natin dapat baliwalain ang nangyari sayo"

Hanggang ngayon hindi padin ako sanay na tatawagin ako ni hime na kuya. Simula kasi nung nangyaring aksidente ay palagi na akong tinatawag na kuya ni hime.

Masaya ako na malungkot. Masaya ako dahil kahit papano ay mas napapalapit sakin si hime. Malungkot naman dahil sa hirap na pinagdaanan ng kapatid ko. Kahit hindi ako ang nakaranas ng paghihirap ay nahihirapan din ako dahil kapatid ko si hime eh, Kakambal pa.

"Hay, ayaw kung pumunta dun kuya"

Lumapit ako sa tabi ni hime at tsaka nagsalita

"Kailangan hime, ayaw ko ng mas masaktan ka dahil sa Ace na yun"

"Pero mahirap kuya eh, kahit naman madali lang natapos ang relasyon namin, may pinagsamahan padin kami"

"Oo nga may pinagsamahan kayo hime pero learn to let go. Siya na mismo ang nagtaboy sayo. Hindi naman pwedeng ikaw lang ang magmahal sa inyong dalawa"

"Pero kuya! Ramdam kung mahal padin niya ako!"

"Kung mahal ka talaga niya hime, marunong siyang makinig sa paliwanag mo, marunong siyang tumanggap ng sorry mo, dapat intindihin kadin niya, ang nararamdaman mo. Hindi yung puro lang siya salita! Hindi yung puro pangako siya na hindi naman niya tinutupad!"

"Ah basta! Kahit anong mangyari dito lang ako!"

"Hime naman eh!! Pag-aawayan pa ba natin tuh?! "

"Pero kuya eh *sob* hindi ko kayang wala si Ace *sob*"

Niyakap ko nalang siya para kahit papano maramdaman niyang nandito lang ako sa tabi niya.

"Shhh... Hindi mo naman kailangan si Ace para mabuhay ka. Kailangan mo lang huminga, nakaya mo nga noong wala siya eh ngayon pa kaya na kailangan mo na siyang iwan? Inintindi ko lang naman kasi hime kung anong makakabuti para sayo dahil kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako pag nakita kitang ganyan ang kalagayan kaya kalimutan mo nalang si Ace, marami pang lalaki ang dadating sa buhay mo, pero kung tutuusin hime...hindi munaman kailangan ng ka love team eh, nandito naman ako at sapat nayun para maging masaya ka"

"*sob* salamat kuya *sob* ano na kayang nangyari sakin kapag wala ka? Mabuti nalang talaga at nandito ka parati *sob* hay... Sige susubukan kung kalimutan si Ace*sob* ipapakita ko sakanya na hindi siya kawalan"

Napangiti nalang ako ng matipid, ano na nga ba talaga ang nangyari kay King?

Ace's Pov :

"Hi babe! Alone?"

"Go away"

"Sungit nito! Hmp!"

Kailangan ko pa palang pumunta ng hospital, baka mapano pa si ate. Nandito kasi ako sa isang bar para mabawasan ang iniisip ko pero parang mas sumakit ata ang ulo ko dito

Umuwi muna ako para magbihis at magpabango para hindi nila malaman na naglasing ako. Ayaw kasi ng magulang ko na umiinom ako kaya as much as I want to drink, iniiwasan ko na.

Habang nagbibihis ako ay nakita ko yung CD na binigay ni Frost, hanggang ngayon hindi ko pa din tinitignan kung ano talaga ang laman ng CD na yun.

Baka bukas ko na yun tignan, kailangan ko pa kasing bantayan si Ate, kailangan na din kasing bumalik ng magulang ko sa ibang country para sa business namin.

Xiarah's Pov:

Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba yung ginawa ko sakanila o hindi pero isa lang ang sigurado ako. Akin lang si Ace!

Trinaydor ko na ang lahat pati ang bestfriend ko para lang sa kanya, pero bakit hanggang ngayon hindi niya padin ako napapansin? Bakit hanggang ngayon si Ice padin yung iniisip niya kahit anong pilit niyang sabihin sa sarili niya na si Ice ang may kagagawan nun sa ate niya?

Ganyan niya ba talaga kamahal ang babaeng yun?! Pwes buburahin ko siya sa landas ko! Kahit ano gagawin ko para makuha ko lang si Ace! Akin lang siya!!!

The Cold Empress/Gangster ✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon