A/N : HELLO...SUGGEST KO LANG PO SAINYO NA BASAHIN ANG STORY NI Silly_Kitten (S.U.C.K.S), first story niya po yan sana suportahan niyo din katulad ng pagsuporta niyo dito..my next Update ay kapag naka 500 reads na yan hehe..enjoy reading :)
Chapter Twenty Four : Part 2
Someone's Pov :
"Paano kung, ang kapatid mo ay mismong ang dangerous twin na gusto mong patayin para lang sa tronong hindi mo makuha-kuha?"
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, aaminin kung magaan ang loob ko sa kambal nayun pero hindi sa ganitong paraan na malalaman ko nalang na kapatid ko sila.
Alam kung hindi nagbibiro si dos dahil hindi yan marunong magjoke ng ganyang bagay.
Kung naguguluhan kayo kung bakit nasabi kung magaan ang loob ko sa twins nayun pero pinapagulpi ko sila ay oo nga magaan ang loob ko sakanila pero hindi ibig sabihin nun na pwede ko ng isuko ang pagiging hari ko dito sa organisasyong ito.
"Natahimik ka? Ha! Tignan mo, miski sarili mo hindi mo kilala dahil sa simula pa lang ay wala ka ng alam, ano ng gagawin mo ngayon king? O sabihin na nating Winter?!"
Anong gagawin ko? Ewan ko din dahil alam kung nagsasabi na naman siya ng totoo, simula palang hindi ko na kilala ang sarili ko, simula nung bata pa ako wala akong alam, wala akong alam sa lahat kundi ang sundin ang utos ni empress, ang tinuring kung ina na hindi pala.
Being me is not easy kung nagsasabi kayong madali lang maging hari dito? Nagkakamali kayo dahil lahat ng mali ng organisasyong ito ay saakin isisisi ng iba, ako ang mali, ako nalang lahat.
Hindi na ba pwedeng maging masaya ang isang Winter Ivan? Gusto ko lang naman maging masaya pero mas naging kumplekado ang buhay ko dahil dito.
Walang-wala ako hindi katulad ng ibang hari dahil kahit apelido ko ay hindi ko alam kung ano.
I'm Hopeless, dahil simula pagkabata ko ay wala akong natanggap na totoong pagmamahal, hindi ko naranasang mahalin ng isang ama, isang ina at iba pang kapamilya.
Hindi ko pa nasusubukang mainlove dahil wala akong oras para dun.
Ngayong alam kung may kapatid ako, sana naman matanggap pa nila ako sa lahat ng dinanas nila mula sa paghihirap na pinadanas ko sakanila.
Gusto kung malaman kung masaya bang may kapatid, masayang may mga magulang na mag-aaruga sakin.
Sana bibigyan pa nila ako ng chance na maging bahagi ng pamilya nila, dahil ngayon durog na durog na ang puso ko.
Hindi ko na kinayanan kaya tumakbo ako palabas at tsaka umiyak ng umiyak. Wala akong pakialam kung sasabihan nila akong bakla pero hindi naman masamang umiyak minsan ang lalaki diba?
Ice Pov :
"Kain na tayo wifey"
Hay, kanina niya pa ako tinatawag na wifey simula kaninang umaga, tsk!..lunch na namin ngayon kaya patungo na kami sa cafeteria.
"Okay"
Niligpit ko na ang mga gamit ko at tsaka tumayo na, agad naman niyang kinuha yung bag ko at tsaka hinawakan ang kamay ko.
Maglalakad na sana kami ng bigla nalang akong parang hindi makahinga.
Tumigil din naman siya nung makita niyang nakahawak ako sa may dibdib ko.. Ang sakit...hindi ako makahinga..
"Are you okay wifey?"
Tarantang tanong niya sakin..huminga muna ako ng malalim..medyo nawala naman yung sakit at medyo nakahinga na ako ng maluwag.
"Yes I'm fine, Let's Go"
BINABASA MO ANG
The Cold Empress/Gangster ✔️
RomanceCold Heartless Merciless ... A girl with different attitudes... Warning! Sinulat ko po ang storyang to when I was 14 years old. Masyado pong exaggerated ang ibang chapters at hindi ko din...