A/N: SORRY KUNG NATAGALAN ANG PAG UD..MEDYO WALA AKONG MAISIP EH HEHE..SANA PO MAG-ENJOY KAyo and PLS DON'T FORGET TO VOTE OR COMMENT AND PLS FOLLOW ASHLEY_VERCIDE ON INSTAGRAM HEHE COMMENT LANG SA MAG PADEDICATE :)
Chapter Sixteen :
Ice Pov :
Lumabas na ako pagkatapos aminin ng lalaking yun kung sino ang nag-utos sa kanila. Alam ko namang mga mafioso yung sumugod dito sa school namin base sa mga tattoo nila. Akala siguro nila hindi ko nakita eh klarong-klaro naman.
Pinalabas ko lang na hindi ko alam dahil naaawa ako dun sa lalaking nakaligtas. Nung hindi pa ako nawalan ng contol sa sarili ay minanmanan ko na ang mga kilos nila. Sa obserbasyon ko naman ay yung nakaligtas lang ang naging isang mafioso dahil narin sa pamilya niya.
Nakikita ko kasi sa mga mata niya ang lungkot at pangulila, masasabi mo agad na may problema ito. Yung iba namang namatay na ay gusto lang maging mayaman,makapangyarihan, para mas makilala o sabihin na nating para sumikat.
Sa paglalakad ko ay hindi ko alam na dinala na pala ako ng mga paa ko dito sa rooftop. Napakahangin kaya medyo nililipad ang buhok ko. Pumunta naman ako dun sa may railings at tinignan ang tanawin.
Nasunog pala ang may canteen ng school nato. Mabuti nalang at hindi masyadong malakas ang pagsabog kaya hindi naapektuhan ang ibang part ng paaralan. Alam ko namang sinimulan na nila itong ayusin kaya pinapasabi ko na wala munang pasok ng 1 week dahil baka may natrauma sa nangyari at para narin maayos na talaga ang mga nadamay sa pagsabog.
Dinadamdam ko ang hangin na dumadantay sa balat ko at tsaka ako pumikit. Maya-maya lang ay may haramdaman akong presensya pero hindi ko ito pinansin at tsaka patuloy paring nakapikit.
Palakas ng palakas naman ang mga hakbang na narinig ko kaya alam kung palapit ito sa pwesto ko.
Napadilat nalang ako bigla ng may naramdaman akong may yumakap sa likod ko. Kahit hindi ko tignan alam kung si Ace ito dahil narin sa amoy niya.
"Pinag-alala mo ko"
Naramdaman kung sincere ang pagkasabi niya nun at medyo nanginginig siya
"Bakit ka nanginginig?"
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit.
"Nagseselos ako sa gagong yun! Ang lapit kaya ng mukha niyo sa isa't-isa nung bumulong ka tapos sobrang nag-alala pa ako sayo dahil baka mapano ka. Baka magkasugat ka,mabalian, masaksak---"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil umikot ako at tsaka nilagay ang hintuturo ko sa labi niya. Hindi ko naman kasi akalaing mag-alala siya ng ganito.
"Shh, walang masamang nangyari sakin okay"
Ewan ko basta sobrang gaan ng loob ko pag kasama ko siya. Oo alam kung nahulog na talaga ako sa kanya pero baka wala siyang gusto sakin.
"Hay...sa susunod wag kang masyadong lumapit sa mga lalaki ah except sakin at sa kuya mo, payakap nga ulit."
Hinayaan ko lang siya sa gusto niya dahil gusto ko naman siya eh. Magsasalita palang sana ako ng magsalita siya ulit.
"Simula ngayon,ako na ang magproprotekta sayo at kahit gusto o ayaw mo sakin, liligawan parin kita dahil simula sa araw nato tandaan mo at wag kalimutan na ang isang Ace Dighther Stein ay nanliligaw na sa isang Ice Demonise Smith"
Mahabang sabi niya na nakapagpatigil sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Parang tumigil ang mundo ko at para na ata akong sasabog sa pula ng mukha ko pero ang mas lalong nakapaggulat sa akin ay ang bigla niyang paghalik sakin ng matagal. Akala ko ganun lng yun pero bigla niyang ginalaw ang labi niya and the next thing I know is I'm responding to his kiss.
Tristan's Pov : (short only)
Pinasunod ako nila kina Ice at Ace dahil may sasabihin daw sila Frost. Mukhang hindi naman ito tungkol sa mga problema dahil masaya naman sila hay bahala na nga.
Hinanap ko sila sa kahit saang sulok ng paaralan at ang natitira nalang na hindi ko napuntahan ay ang rooftop kaya dali-dali akong pumunta dun baka naiinip na kasi sila,mainipin pamandin sila.
Bubuksan ko na sana ng may narinig akong nag-uusap kaya hinay-hinay kung binuksan ang pintuan tsaka sumilip just to completely see Ice and Ace kissing at hindi lang basta kiss dahil isa itong romantic kiss at masyadong matagal.
Dali-dali kung kinuha ang phone ko at tsaka pinindot ang camera pagkatapos ay tinutok sa kanila at tsaka sila kinunan ng litrato. Perfect na sana eh kaya lang biglang
.
.
.*Flash*
.
.
.Naku, lagot!
Someone's Pov :
Umiinom ako ng wine dito sa trono ko habang sinusubuan ng prutas ng mga alagad ko, may pumapaypay din sakin kaya haring-hari talaga ang dating.
Nasira ang moment ko ng bigla nalang pumasok ang isang tauhan ko ng basta-basta! Walang mudo!
"Boss! Boss! Pasensya na po! Kailangan niyo lang talagang makita ito"
Tarantang sabi niya habang may dala-dala itong apat na box.
"Ano?!"
Hindi pa kasi sabihin eh.
"Tignan niyo po ang laman ng mga iyan sir at hindi po talaga kayo maniniwala"
Hindi ko na siya sinagot at pinuntahan ang hawak nitong box at kumuha ng isa. Ang kinuha ko ay yung medyo malaki
Inamoy-amoy ko muna baka cake pero hindi! Ang laswa grabe! Amoy patay!
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at binuksan ko ito just to find out na ulo pala iyon ng leader ng isang pinakamalakas na gang na under ng mafia na ito.
"Ilabas niyo nga yan! Ang baho!"
Agad naman nila itong nilabas lahat. Kahit kailan talaga hindi ko kayo matalo-talo. Kahit anong gawin ko hindi parin.
Pero wag kayong mag-alala, dahil sa oras na ito, sisiguraduhin kung ako naman ang magwagi....
Dangerous Twin!
BINABASA MO ANG
The Cold Empress/Gangster ✔️
Storie d'amoreCold Heartless Merciless ... A girl with different attitudes... Warning! Sinulat ko po ang storyang to when I was 14 years old. Masyado pong exaggerated ang ibang chapters at hindi ko din...