Chapter Twenty Two : Part 1

46.2K 1K 20
                                    

A/N : Hi hello hi hello hi hello hi hello :) pls don't forget to comment or vote ;)

Chapter Twenty Two : Part 1

Ace Pov :

Ang saya ko. Ang saya-saya ko. Sana hindi na ito matapos na kasayahan pero alam ko namang may darating na maraming pagsubok para sa aming pag-iibigan. Sana lang pag dumating ang araw nayon ay dalawa kaming lalaban, pareho namin itong haharapin at sana walang sumuko saming dalawa pag nangyari yun.

Alam kung kakambal ng pagmamahal ang sakit kaya hindi talaga maiiwasan na magkaproblema at magkagalitan ang dalawang nagmamahalan. Bago man kaming dalawa sa mundong pagmamahal, sana maranasan at sana maging tapat kami sa isa't-isa. Pagmay problema ang isa, dapat alam ng isa para walang gulong mas malaki pa.

Akala ko kanina hindi niya ako sasagutin dahil sa tagal niyang sumagot. Sobrang laki ng takot at nerbyos ko pero agad din itong nawala ng malaman ko ang sagot niya.

Ayos lahat ng pagod at hirap na dinanas ko para lang sa ginawa kung surprise.
Pumunta pa akong maynila para puntahan ang magulang niya at masasabi ko lang na ito ang pinakamalaking pagsubok na nagawa ko.

>>Flashback<<

Sa haba ng binyahe ko ay nakarating nadin ako sa wakas sa mansion nila ice at frost. Nandito ako para humingi ng pahintulot sa kanila upang maging legal kami ni ice pagsakaling sinagot niya ako. Ayaw ko namang malaman nalang nila na ang anak nila ay may boyfriend na ng hindi nagpapaalam sa kanila.

Nakaupo akong mag-isa ngayon dito sa sala nila habang naghihintay sakanila dahil tinatawag pa ito. Maya-maya lang din ay tumunog bigla ang elevator nila ice na naghuhudyat na nandito na ang parents nila ice kaya tumayo ako at nagbigay galang

"Anong kailangan mo iho?"

Bago pa ako makasagot ay sumabat na si Mr. Smith

"Maupo muna kayo at pag-usapan natin yan"

Umupo nalang din kami at tsaka ko sila tinignan na ngayon pala ay nakatingin din sakin

"Ahm..gusto ko sanang yayain ang anak niyong mag--"

"MAGPAKASAL?! OH SURE!!OH SURE!!"

"Hon kalma lang.."

Pinakalma muna ng ina ni ice ang sarili bago humarap sakin na nakangiti

"Continue"

Tumngo lang ako at tsaka nagpatuloy

"--ging girlfriend"

Mukha namang pinagbagsakan ng langit at lupa ang ina ni ice sa sinabi ko..ayaw niya ba sakin?

"Hay..akala ko pa naman magpakasal na"

"Tss..anyways...hindi ako papayag na ganun nalang yun. Kailangan mong paghirapan bago mo kami mapapayag na maging girlfriend mo ang anak ko"

Sabi ng dad niya sakin na kahit hindi ko alam yun ay tumango agad ako bilang sagot dahil talagang gusto kung maging kami ni ice dahil mahal ko siya.

"Kung ganun..makakaya mo bang pumatay para sa anak ko?"

Nabigla naman ako dun sa sinabi ng ina ni ice. Anong ibig nilang sabihin? Oo makakaya ko pagmay malaki itong kasalanan at kung para din naman kay ice ay bakit hindi.

"Lahat gagawin ko para sa anak niyo ser..mahal na mahal ko po siya"

Panatag ang loob ko dahil alam kung may malaki itong kasalanan sakanila lalo na kay ice dahil hindi naman nila ito ipapatay ng ganun-ganun lang.

"Sige kung yan ang desisyon mo"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumalakpak ito ng ikatlong beses at tsaka naman may lumabas na matanda na nasa edad sigurong 40's at mukhang butler nila ito.

"Ito na po master"

Kinuha lang ito ng ama ni ice at tsaka niya pinaalis ito at ibinaling ang atensiyon sakin bago hinagis ang envelope na binigay kanina ng matanda sa lamesa.

"Tignan mo yang laman niyan, yan ang papatayin mo..alam ko namang alam mo na may dahilan kung bakit ko yan pinapatay dahil hindi naman makitid ang utak mo"

Tumango ako bilang sagot pagkatapos kinuha ko yung envelope at binuksan. May nakita akong litrato kaya kinuha ko ito at tinignan.

Kaparehas lang ata ng edad ng mama ni ice ito dahil sa itsura at talagang marangya ito base sa mga alahas sa katawan at ayos nito.

"Hindi sa nanghimasok ako ser pero ano pong kasalanan niya sainyo?"

"Sa ginagawa mong yan ay nanghimasok kana talaga at dahil alam kung kailangan mo ng sagot para masagawa ang mission na ito ay sige sasabihin ko sayo"

Umupo ako ng maayos para makapagconcentrate ako sa pakikinig.

"Yang babaeng yan ang dahilan kung bakit naging ganyan ang mga anak kung si ice at si frost . Cold at seryoso na may pagkachildish simula pagkabata at may mga kakaibang mata at kakayahan. Nung pinagbubuntis pa lang ng asawa ko ang kambal na anak namin ay may tinurok na lason ang babaeng yan na bestfriend ng asawa ko. "

"Sobrang close sila to the point na wala silang secretong tinatago pero yun pala ay may secreto itong galit sakanya dahil sa simula palang ay may gusto na saakin ang bestfriend ng asawa ko at alam ito ni Winter( ina nila ice at ace) pero hindi mo naman mapipilit ang puso mong wag mahalin ang isang tao kaya kahit ayaw saktan ni winter ang bestfriend niya ay nagawa niya sa pamamagitan ng pagmamahal sakin at ganun din ako sakanya since matagal ko na siyang gusto."

"Naging kami at hindi kalaunan ay nagpakasal kami at biniyayaan ng isang anak ngunit ito'y kinuha ng magaling na denise(bestfriend noon ng ina ni ice) nayun. Galit na galit kami at pinapahanap namin siya sa buong mundo pero talagang magaling itong magtago. Hindi kalaunan ay dahil sa pagmamahalan namin ni winter ay nabiyayaan ulit kami ng anak at ang mas masaya pa ay kambal ito pero hindi padin namin maalis sa isip namin ang panganay naming anak."

"Nabigla kami ng makita namin ang anak namin dahil si ice ay akala namin ay patay ito dahil hindi man lang ito umiyak pero ng bigla itong humikab kaya nakahinga kami ng maluwag. Kay frost naman ay akala namin ay baliw ito pero yun pala ay hindi. Malaki ang kasalanan ni denise samin dahil sa pagkuha niya sa anak namin kaya ikaw ang inaasahan kung makahanap sa kanya at makapatay."

"Sinasabi ko ito sayo dahil may tiwala ako sayo at sana hindi mo ako bibiguin dahil hindi lang ang anak ko ang mapupunta sayo, pati nadin ang paging kanang kamay ni ice sa mafia ay mapupunta sayo"

Shock na shock ako ngayon sa narinig ko lalo na yung pinakadulong sinabi ni Mr. Smith. Hindi ko lubos akalain na sila ice pala ang empress at emperor ng isang mafia

"Gagawin ko po ang lahat mapatay ko ang denise na yan at maibalik ko ang panganay niyo ser"

"Mabuti kung ganun, at tsaka nga pala, call me tito at tita naman sa kanya, i believe makakaya mo namang gawin ang pinagawa namin sayo"

"Yes ser este Tito"

The Cold Empress/Gangster ✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon