Chapter Twenty Six :

37.6K 906 18
                                    

A/N : Enjoy :)

Chapter Twenty Six :

Ice Pov :

Palagi ko nalang napapansin na may sumusunod sakin, mapa school man, malapit sa bahay, At kahit saan ako magpunta ay nakasunod padin ito sakin. Hindi ko nga alam kung bakit ito nakapasok sa school namin eh hindi naman siya nag-aaral dun.

Alam ko kung nadagdagan o nababawasan ng mga estudyante ang school namin dahil narin sa advance technology na patago kung ginagamit sa school. Kami nga kasi yung may-ari nun kaya dapat hindi iyon pababayaan.

Nandito nga pala ako sa isang eskinita naglalakad mag-isa pero alam kung nakasunod na naman yung malastalker na taong nagtatago nalang palagi, hay, kailan ko na yata tung patigilin sa pagsusunod sakin dahil wala naman kasi itong makukuha sakin, tsk.

"Lumabas ka na diyan"

Dalawang minuto na ang lumipas pero wala pading lumalabas kaya napagbuntunghininga nalang ako, wala yata tung balak magpakilala eh. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng may bigla nalang lumabas dun sa likod ng basurahan , ergh... Ang baho pa naman dun.

"H-he he..H-hi"

Hmm..bakit parang nakita ko na tuh noon, ewan ko nalang kung saan at tsaka malalaman ko din yun nuh.

"Bakit mo ko sinusundan?"

Napakamot naman ulit siya sa may batok niya bago nagsalita pero bago pa man may lumabas na salita sa bibig niya ay may mga lumabas na mga lalaki sa kahit saang parti ng eskinita na may mga dalang baseball bat , knife at kung ano-ano pa, mukhang pinaikotan nila kami ah.

Lumapit naman yung si Mr. Stalker sakin na para bang pinoprotektahan ako, ano namang problema nito? Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa likod niya at pilit akong tinatago sa mga goons na nasa harap, kanan, kaliwa at likod namin na talagang pinapalibutan kami.

"Dito ka lang, ako ng bahala sa mga tuh"

Bulong pa nito sakin at dahil gusto ko din namang malaman ang kakayahan ng lalaking tuh ay tumango nalang ako.

"Alam niyo bang bawal pumunta sa teritoryo namin?!"

Teritoryo nila tuh? Kaya pala ang baho, katulad pala ng mga amo

"At dahil pumunta kayo dito, siguradong hindi kayo makakalabas dito ng walang sakit sa katawan, lalong lalo kana miss, kailangan mong maghanda para mamaya , sabay panating maabot ang langit"

May lugar ka pala sa langit , gusto kung sabihin yan pero hinayaan ko nalang muna silang maglaban , tutal , mga pangit naman sila at ako naman ay MAGANDA.

Nagulat ang lahat kasama na ako pero hindi ko pinapahalata, paano ba naman kasi eh bigla bigla nalang manghagis ng isang ballpen patungo dun sa kanan namin

Pero hindi pala ito ordinaryong ballpen dahil may lumalabas na mga karayom dun na may maliit din na camera na nagsisilbing mata nung ballpen kaya kung nahagip ng camera na yun ang mukha mo ay siguradong hindi ka titigilan nito paghindi ka na turukan ng karayom na pampatulog.

Sumugod na din naman yung ibang lalaki at agad naman niya itong nilabanan pero kalaunan ay may napapansin ako, bakit parang mas dumami pa sila.

May mga pasa na din siya dahil sa mga armas nila kaya balak ko na sana siyang tulungan ng may bigla nalang kadenang tumali sa mga kamay ko at hinawakan ng mahigpit ang mga balikat ko.

Wala na akong magawa kundi panoodin siyang binubugbog ngayon, may parti sa pagkatao ko ang nasasaktan ngayon sa nakikita ko..masakit at mabigat sa pakiramdam

Para na akong liong gustong kumawala ngayon dahil nakita kung may nilabas na baril yung leader ata nila at tinutok ito sakanya. Kahit masakit na ang kamay ko sa pagpumilit makawala ay kinaya ko padin.

Siniko ko yung dalawang lalaking humawak sa balikat ko at agad binigyan ng isang malutong na patid sa puso nito na makakapagtigil ng hininga ng isang tao.

Pagkatapos kung gawin yun ay agad akong kumuha ng lakas at tsaka buong lakas na tinggal ang kadena sa kamay ko at hindi naman ako na bigo pero isang umaalingawngaw na putok ng baril ang narinig ko mula doon sa pwesto nung mga goons at yung lalaking palaging sumusunod sakin.

Hindi nga ako bigo sa pagtakas pero bigo naman ako sa paglugtas ng lalaking umangkin sa lahat ng sakit na mararanasan ko din sana kung hindi lang siya humarang sa daan ko.

Dali-daling tumakbo yung mga may gawa nito pero bago sila tuluyang mawala sa paningin ko ay alam ko na kung sino ang mga yun, maghintay lang sila, dahil wala pang bukas ay pinaglalamayan na sila.

Agad kung nilapitan ang lalaking nakahandusay ngayon sa eskinita na may tama sa tiyan, marami-rami na din ang nawalang dugo nito kaya agad ko itong inilalayan pero talagang wala na itong lakas.

Wala na akong magawa kundi tawagan ang baby ko.. Pumalakpak ako ng isang beses at maya-maya lang ay nandito na ang baby storm ko. Binuhat ko yung lalaki kahit babae ako ay nakaya ko naman siya. Sinabihan ko nalang ang baby ko na paandarin ng pinakabilis patungong hospital ang makina niya at agad naman nitong sinunod.

Agad kaming inasikaso pagdating namin dun dahil narin sa kami ang may-ari nun. Pinahintay lang ako sa labas ng ER kaya tinawagn ko muna yung private invistigator ko at pinacheck ang background ng lalaking ito.

Hindi pa kami tapos mag-usap ng bigla nalang lumabas yung isang doctor sa ER at lumapit sakin.

"Ms. Smith , kailangan nating masalinan ng dugo yung lalaking dinala niyo dito, marami napong dugong nawala sa kanya kung hindi po siya masalinan ngayon ay posible pong ikamatay niya ito"

"Ano pong blood type niya doc?"

"Type O po ms. Smith.. May kakilala po ba kayo?"

Type O?

"Ako, pwede ako"

"Sige po , sumunod nalang kayo sakin"

Matapos akong kunan ng dugo ay nasalinan nadin naman yung lalaki kaya ngayon ay nandito ako sa tabi ng kamang hinihigaan ng lalaking tuh nagbabantay sakanya.

Tinignan ko ulit yung lalaki, bakit parang magkahawig kami? Lalong lalo na sila frost, ang pinagkaiba lang ay redish brown ang kulay ng mata nito, at ang kulay ng balat nila ay iba din, masyadong maputi ang lalaking ito, maputi din naman si frost pero hindi katulad ng lalaking natutulog ngayon dito.

Naalala ko yung sinabi noon ni mom saamin nung bata pa kami.

' hahanapin natin ang kapatid niyo anak, pangako yan, alam ko kung ano ang makakapagtunay na siya nga yun, may redish brown eyes ang panganay na kapatid niyo , tandang tanda ko yun, at sobrang puti niya, ipangako niyo ding hahanapin niyo siya'

Posible kayang siya eto? Pero dapat mapatunayan muna namin ito, dahan-dahan akong kumuha ng isang buhok ng lalaking tuh at tsaka tinawagan ang kakambal ko, alam kung siya lang ang makakatulong sakin tungkol dito.

The Cold Empress/Gangster ✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon