Chapter Forty Five :

19.6K 454 13
                                    

A/N : Sorry for the late update guys... Exam week na kasi eh.. Hope you understand.

Ice's Pov :

Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalinlangan kung sino ang pipiliin. Alam ko naman kasing kahit hindi niya alam kung totoo ba yung sinasabi ni Xiarah sa kanya na buntis ito ay hindi niya padin gugustuhing malagay sa pahamak yung bata. (Kung buntis talaga ito).

Kaya nung napatingin sa gawi ko si Ace ay sinenyasan ko siyang piliin si Xiarah dahil mas kailangan nito ng tulong. Pag ako kasi yung pipiliin niya eh mas malalagay lang sa pahamak si Xiarah at yung bata. Nandiyan naman sila Frost at Aidan para magproprotekta sakin tsaka kaya ko ang sarili ko nuh.

Sinenyasan ko din sila Aidan para maging alerto sila sa susunod na gagawin. Delikado ang sitwasyon namin ngayon dahil napapalibutan nila kami tapos sobrang dami pa nila. Eh kami nga apat lang. It's either marami kaming sugat pag labas namin dito (if makakalabas pa kami) or mamamatay kami. Sana naman wala dun sa dalawa.

"I-I choose....... Xiarah" ngumisi naman ng malademonyo si Ronald at tsaka tinutuk sakin ang baril habang pabalang na binitawan si Xiarah papunta kay Ace.

"*smirk* Say Goodbye to the world Ice"

"Now!"

*Bang!* *shing!*

Tumalon kaming lahat sa ere ng napakalakas at tsaka binalik sa mga ninja yung nakuha naming shuriken nung pinaulanan nila kami nito. Tss. Buti naman at nakaintindi sila sa senyas ko. Buti nalang talaga at kinabit ko sa likod ng ulo nila Frost at Aidan yung bagong ininvent ko.

Kung sino ang nakabitan nito ay mababasa o maririnig mo ang boses ng nagkabit nito sayo pag pinindot nung nagkabit ang singsing na connected dito. Genius right? *smirk*

Hindi naman kami nabigo sa plano dahil parang na distract yung mga ninjas sa ginawa namin kaya hindi na nila alam kung sino ang patatamaan kaya hindi nila namalayang pinapatay na pala nila ang isa't isa. *Facepalm*

STUPID!

Paglanding na paglanding namin ay agad akong hinila nila Frost papunta dun sa likod ng pader para magtago. Kinuha ko naman yung phone ko at kinalikot ito hanggang sa may mag pop-out

*ACCESS GRANTED*
*THE CAMERA WAS ACTIVATED*

Napangisi naman ako ng dahil dun. Tsk. Ang tanga pa din talaga ng Ronald na yun. Akalain mong maiisahan ko na naman siya.

Paano ba naman kasi, since hindi masyadong malaki yung space ng building na tuh, madali lang itong maaabot ng mga matataas lalo na pag mataas kang lumukso kaya ang ginawa ko ay dinikit ko yung camera na sobrang liit pero kayang kuhanan ang lahat ng angle. Bago ko din itong ininvent nung wala akong magawa.

Kaya ngayon, kitang-kita namin ang nangyayari dun. Kitang-kita din namin kung ilan nalang sila at nakita din namin sila Trace , Ace at Xiarah na nagtatago. *smirk* kitang-kita ko din ang naiinis na mukha ni Ronald. Tss.. See? You will never win against me Ronald.

"Hanapin niyo sila!!" Karakaraka naman siyang sinunod ng mga ninja at nagsialisan na sila para hanapin kami. At hindi naman sila nabigo sa paghahanap samin, yun nga lang, hindi pa nga nila kami nadadala kay Ronald eh nawawalan na sila ng malay. Ito ba namang dalawang kasama ko ang makakaharap mo.

Kung sino yung ma tyempuhan na mahigit nila eh pinapatulog agad nila para walang ingay na malilikha pero alam kung hindi pagtatago ang solusyon nito para matapos na ito.

The Cold Empress/Gangster ✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon