A/N: MEDYO MAHABA PO ITO PAMBAWI SA NAKARAANG CHAPTER HEHE..ENJOY PO SA PAGBABASA AND DON'T FORGET TO VOTE OR COMMENT :)
Chapter Fourteen :
Ice Pov :
"Ito nalang suotin mo!"
"Hindi! Dapat ito"
"Ay mali pala kundi ito!"
Tss kanina pa namimili ng damit na susuotin ko para mamaya si Xiarah. Parang date lang niya eh nuh? Tapos yung mga gamit ko pa kahit saan-saan nalang tinatapon.
"Ilagay mo kaya yan sa maayos na lugar"
Palagi ko yang sinasabi sa kanya hanggang sa matauhan siya pero ang tanging sagot lang niya
"Wag kang mag-alala may mga maid ka naman eh, sa yaman mong yan"
Hayyy..ang kulit talaga ng babaeng tuh.
"Tumabi ka nga"
Sabi ko sakanya or more on command para isang salita lang sakanya ay tatabi agad. Hindi naman ako nabigo dahil agad din naman siyang tumabi at umupo nalang sa kama ko habang nakatingin sakin.
Tinungo ko ang isang pintuan dito sa kwarto ko na puro mamahalin na damit, mga sapatos at kung ano-ano pang kaik-ikan sa katawan ang nandito. Binuksan ko lang ito at agad pumasok at kumuha ng isang dress na simple lang naman pero malalaman mo agad na mamahalin ito. Kumuha din ako ng Killer heels baka kasi mapaaway mahirap na.
Lumabas na ako at tinungo ang cr habang si xiarah naman ay nagtatakbo papasok dun. Hay kahit kailan talaga.
Nagtataka ba kayo paano ako napapayag? Well ganito kasi yun.
>>FlashBack<<
"Let's go on a Date tonight"
Pagkasabing pagkasabi nun ni Ace ay tumahimik bigla ang nasa table namin. Diba bulong lang yun? Bakit narinig parin nila?
"ANO!?!!"
Ackk! Ang sakit nun sa tenga ah. Kung makareact naman sila parang sila ako eh nuh? Diba ako tinanong? Tss syempre pati ako nagulat. Aba! Hindi ibig sabihin na dahil sa hindi ko alam yung indirect kiss ay wala na akong kaalam-alam kung anong date ang pinagsasabi nitong si Ace.
Sigurado naman akong hindi date ito sa calendaryo ang ibig niyang sabihin dahil may date naman sa cellphone niya kaya bakit siya magtatanong diba.
"No Way!"
Napatingin naman ang lahat sa nagsalita na walang iba kundi si Frost.
"At bakit naman? Hindi ibig sabihin na dahil ikaw ang kapatid ikaw na rin ang masusunod, bakit ikaw ba ang tinatanong ko?" Ace
"Hindi nga ako si hime pero pinoprotektahan ko lang ang mga taong mahalaga sakin"Frost
"Hindi ko naman sasaktan si Ice ha! tsaka Date lang tuh, getting to know each other maybe"Ace
"Pero baka mapano si Hime!"Frost
"Nandito naman ako ah! Baka nakalimutan mo kung sino ako" Ace
Tumingin ng matiim si Frost kay Ace na para bang sinusuri itong maigi at tsaka tumingin sakin.
"Hay...what do you think hime?"Frost
Napatingin naman silang lahat sakin na naghihintay ng sagot. Huminga muna ako ng malalim at tsaka nagsalita.
"Ok, I will go with you"
BINABASA MO ANG
The Cold Empress/Gangster ✔️
Roman d'amourCold Heartless Merciless ... A girl with different attitudes... Warning! Sinulat ko po ang storyang to when I was 14 years old. Masyado pong exaggerated ang ibang chapters at hindi ko din...