CHAPTER ELEVEN

7 2 0
                                    

Chapter 11

     DINALA  ko si Navi sa shakey's at nilibre ko na rin hindi gaya noon na siya lagi yung nanlilibre, ito lang kasing lugar yung naiisipan kong puntahan namin at pangco-congratulate ko na rin sa kanya.

"Congratulation Tony Stark" I geniuly said.

"Gomawo, baboy"

"Board exam nalang yun kailangan mo para maging isang professional architect ka na Tony stark" masayang saad ko sa kanya habang kumakain.

"Sana nga makapasa ako" nakangiting sabi niya sa akin pero ramdam ko yung lungkot sa boses niya.

"Ano ka ba! Makakapasa ka for sure tutulungan ka ni God at saka nandito naman ako ipagdadasal kita lagi kay God"

"Thank you, baboy"  masiglang aniya.

"Kailan ka kukuha nang board exam?" Seryosong tanong ko.

"Maybe next year? Magtratrabaho muna ako bilang isang ordinaryo at sunod-sunorin na Architect para rin matrain ko yung sarili ko" seryoso ring aniya.

"Ilan na nga ulit yung semester na kailangan mo?" He asked.

"Yung final nalang"

"At pro-proceed ka na sa 5th year college?"

"Yup tapos mag-aaral ako ulit nang 4 years para sa training namin para makakuha ako nang license"

"Edi malapit ka na ring grumaduate at training mo na lang ang aabalahin mo, ipagdadasal rin kita na sana wala kang fail grades at magiging successful oby-gyne doctor ka na," Oo nga eh matagal ko ring pinangarap na sana makapagtapos na ako.

"May gig kami mamaya punta ka ha"
Tumango ako at nagpatuloy ulit kami sa pagkain ng cookies and cheeze na pizza.

Nakatitig lang ako kay Navi habang nag-pa-piano siya hindi ko magawang tumitig sa ibang kaibigan namin na tumutugtog rin ng instrumento at kumakanta pa basta ang alam ko lang kay gandang panoorin ni Navi  na para bang nakakaramdam ako ng maraming paru-paro na gustong kumawala sa tiyan ko kahit na pagtugtog lang nang piano ang kanyang ginawa.

"Bakit ka biglang umalis kagabi?"

"Shhh, magsisimula na yung mass"

Habang nakikinig kami kay father ang likot naman nang kamay ni Navi at nagawa niya pang ipinagsiklop iyon sa kamay ko kahit hindi ko man aminin napangiti naman ako. Natapos ang misa at dinala niya ako sa shakey's pagkatapos niyang umorder ay nagtanong agad siya.

"So bakit ka nga umalis bigla?"

"Baka madistract ka sa magandang mukha ko eh" pagbibiro ko pero parang totoo na rin.

"Sinasabihan mo ako ng assuming isa ka rin naman pala tsk. Hahahaha"

"Hoy hindi ah ikaw lang kaya ang assuming sa atin"

"Oo nga haysst nadidistract talaga ako sa pagtugtog ko kagabi na para bang gusto kong bumaba at---"

"Ano hahalikan mo ako? Huwag naman ganun Tony Stark nakakahiya ka psh" I cut him off.

"Oh diba sa pagiging advance mo nagiging assuming ka na hahahaha what I mean is gusto kong bumaba at punasan ang laway mo kagabi hayyyy naglalaway ka sa kagwapuhan ko eh"

"Tumigil ka nga!"

Nag-review talaga ako nang mabuti para sa final namin bukas pero antok na antok talaga ako eh ang ending natulog nalang ako.

"Kamusta result nang final niyo?" Navi asked curiously.

"Nasa rank 40 ako, hay nakakapagod mag-aral"

BREATHE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon