GRAVE
"HAPPY BIRTHDAY" bati ng mga kaibigan at pamilya ko sa akin, dapat bang maging masaya ako dahil birthday ko ngayon? O magluluksa dahil ngayon ang libing ng taong mahal ko?
Unti-unti nang ibinaba ang kabaong na hinihigaan ni Navi kaya labis ang iyakan nang mga dumalo at lalong lalo na ang kapatid niyang si Zythrein na mahigpit ang yakap sa akin ngayon, may iilang bumagsak na luha sa mga mata ko at pinunasan ko kaagad ito dahil simula nung nawala si Navi ay pinangako ko sa sarili kong pipigilan ko ang mga luha ko. Paulit-ulit kasing bumabalik sa isip ko ang kanyang sinabi.
"Don't cry so easily baboy, I can't comfort you when I'm gone"
Pinipigilan ko nga ang luha ko ang hirap naman huminga.
Kung nasaan ka man ngayon Tony Stark pero sana nasa mabuting kamay ka, sana nasa langit ka alam ko namang pinapanood mo ang mga tao ngayon tingnan mo nga naman Tony stark ang dami daming nagmamahal sayo tapos mang-iiwan ka lang bigla? hindi mo ba nakikita ang mga luha nang mga kaibigan natin at pamilya mo hindi mo ba nakikita ang kapatid mo hindi mo ba nakikita kung gaano ako nasaktan sa biglang paglisan mo nihindi ko nga alam na huling pag-uusap na pala natin yun sabi ko naman sayo diba magpagaling ka muna pero hindi mo ako pinakinggan. Ang daya mo Tony Stark nung sinabi mong huwag kitang iwan iniwan pa rin kita pero bumalik rin naman ako ah... bumalik ako para sayo, ngayon Tony stark kapag sinabi ko bang bumalik ka ngayon babalik ka gaya nang ginawa ko?
Nakaupo ako sa higaan ng kwarto ni Navi at hawak hawak ang kanyang litrato, may biglang pumasok sa kwarto niya kaya dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha.
"Ate?" Tawag sa akin ni Zythrein.
"Hmm?" Tanging sagot ko lang sa kanya.
"Are you okay po ba? Nung nawala na po kasi si kuya at hanggang ngayon na libing niya ay hindi ko po kayo nakitang umiyak, baka po kasi may mangyari pong masama sa inyo" Malungkot na tanong niya.
"Y-yes naman, I'm okay Zyth ikaw okay ka lang ba?"
"O-opo"
"Are you sure? Halika nga yakap ka kay ate" patakbo niya akong nilapitan at niyakap pinigilan ko talaga ang huwag maluha dahil ayokong nakikita niya akong umiiyak.
"Bakit hindi ka pa natulog?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot sa halip ay hingpitan niya ang yakap sa akin.
"Namimiss mo na ba ang kuya mo?"
"Opo" humiwalay siya nang yakap sa akin at may ibinigay na box.
"Yan po yung pinapatago niyo po noon sa akin" tinanguan ko lang siya at tinanggap ang box, nginitian niya ako bago siya tuluyang lumabas sa kwarto ni navi.
Hinaplos ko ang box at binuksan ko ang ito nakita kong may isang papel na nakatupi, Kinuha ko ang papel at binasa ang buong akala ko ay mensaheng pamamaalam niya sa akin iyon pero nagkakamali ako dahil ang nakasulat doon ay address na hindi ko alam kung saan, tiningnan ko pa ang box kung ano pa ang laman nun at nakakita ako nang dalawang susi, ang isang susi ay alam kung sa motor ito ni Navi pero ang isa ay hindi ko alam kaya itinago ko nalang ang dalawang susi kasama ang papel sa bag ko.
Lumabas ako nang kwarto ni Navi at pinuntahan ang kanyang kapatid.
"Zyth, may pupuntahan lang ako ha babalik rin ako agad" saad ko kay zyth.
BINABASA MO ANG
BREATHE
Novela JuvenilTrichia Jyne Lee is her name eating is her hobby and K-drama leading man are her boyfriend. Kahit kailan ay hindi pa siya nakapasok sa isang relasyon maraming nanligaw sa kanya pero hindi niya ito magawang sagutin dahil natatakot siya pero nag iba i...