CHAPTER NINE

13 8 0
                                    

Chapter 9

    "Ano bang ibig sabihin nito!?" palakad lakad na tanong ko "Ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig?" napapanic pa rin na tanong ko sa sarili ko dahil kung ito man yun ayoko! Ayokong maramdaman to!


'Lord, bawiin niyo po to please lang alam kong biyaya po to kaya salamat po pero ayoko po nito ayoko pong masaktan'



"Pero may girlfriend siya!? Putche ayokong maging kabit! at isa pa hindi naman ako gusto nun" para na akong baliw dito dahil kinakausap ko na ang sarili ko at buti nalang walang masyadong tao ayoko pa naman ipamental.



"Bakit ba ako nagkakaganto? Eh crush ko lang naman siya"



'crush nga lang ba'



"O-oo na sigey na aamin na ako hindi ko na siya crush baka nga may gusto na ako talaga sa kanya pero maaga pa tong nararamdaman ko kaya mapipigilan ko pa t---"



"Wag mong pigilan" saad ng isang napakapamilyar at baritonong boses kaya dahan dahan akong lumingon at nagtama ulit ang mga paningin namin, dahilan upang mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.



"Ano ba yang pinagsasabi mo kanina ka pa ah? hindi kita maintindihan?naguguluhan na ako  eh para kasing may gusto ka sa akin hindi naman sa katulad mo akong assuming pero anong ibig sabihin ng kanta mo kanina?  ginugulo mo yung isipan ko!? tapos ngayon bigla-bigla ka nalang magpapakita sa harapan ko at sasabihin mong wag kong pigilan ang nararamdaman ko para sayo? may girlfriend kana Mr.Awp! nababaliw ka na ba!?" Huminga ako at nagpatuloy ulit.



"Nararamdaman  ko to para sayo at hinding hindi mo ko mapapigilan sa desisyon k---"



Natigilan ako dahil bigla niya akong hinila at niyakap, nanghihina na rin ang mga tuhod ko para na akong maiiyak dito nung maalala ko ang girlfriend niya tapos ito siya ngayon nakayakap sa akin, hindi man lang ba niya alam kong anong mararamdaman ng girlfriend niya kapag nakita siyang may kayakap na iba.



"Baboy, I beg you don't stop your feelings for me kapag ginawa mo yan alam kong tuluyan ka na ring mapapalayo sakin at hindi ko makakaya yun so please..." bulong niya sa tainga ko kaya nagsibagsakan ang mga luha ko hindi ko kayang mahalin ang taong pag-aari na ng iba.


Naramdaman ko ring nababasa na yung balikat ko hindi ko alam kung sa mga luha ko ba yun pero parang hindi naman kasi nga nakayakap ako sa kanya so supposedly yung balikat niya yung dapat mabasa at nakayakap rin siya sa akin kung ganun siya yung umiiyak?


BREATHE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon