CHAPTER TWENTY-NINE

4 2 0
                                    

Chapter 29
          
            KAIN LANG AKO NG KAIN ng pizza habang nanonood ng K-drama at sinuot ko pa ang headset ko para hindi ako disturbo kay Zythrein na gumagawa ng report sa kanyang laptop na ipinadala ko noon, kaninang umaga pa siya dumalaw ulit sa kuya na ngayon ay natutulog at nitong mga araw ay hindi siya nakadalaw may klase daw kasi siya.


*Ting*-tunog ng telepono
kapag may nagtext...


Zein:kanina pa kami nag-aantay dito sa labas bakit ba kasi hindi mo pa kami pinapasok!



Nung nabasa ko ang text ni Zein ay dali dali kong kinalabit si Zythrein at sabay kaming lumabas nadatnan namin silang inip na inip na ang mukha.



"Bakit ba kasi ayaw mo kaming papasukin?" 



"Diba anniversary niyo ngayon? Yung yung pagkaalala ko"



"Yup!" Sagot ko kay Leizzu at hindi pinansin ang tanong ni Zein kanina.



"Pinatulog ko siya kaya hindi ko kayo pinapasok para hindi niya maririnig ang plano natin"



"Balak mo siyang patayin habang natutulog siya!?" Hindi inaasahang tanong ni Ragy sinampal ko siya ng ubod ng lakas para naman magising siyang may babaeng umiiyak ng dahil sa kanya napahawak siya siya sa kanyang kaliwang pisnge niya mukhang hindi niya inaasahan yun HIKHOK!.



"Balak kong gumawa ng napaka memorable na anniversary namin mamaya sa rooftop kaya please tulungan niyo ako" pagmamakaawa ko.



"Matapos mo akong sampalin sa tingin mo tutulungan kita? Syempre girlfriend ka ng bestfriend ko ey!" Natatawang saad ni Ragy kaya natawa rin ako tumango lang si Leizzu at Zein sa akin na may ngiti sa labi.



Pinagplanuhan namin ang lahat pero hindi lahat ng plano ay opinion ko yung iba ay opinion rin nila hinayaan ko naman sila dahil matagal tagal na rin naman silang magkaibigan kaya bahala na sila sa buhay nila kung anong gagawin nila sa anniversary namin ni Navi, si Zythrein naman ay nakinig lang alam naman niya ang plano ko sinabihan ko siya nung nakatulog na si Navi masaya nga siya nung sinabi ko sa kanya yun ey dahil gusto niya din daw makitang masaya ang pinaka mamahal niyang kuya. Tatlong oras rin ang itinagal ng pagpapalano namin no, umalis na sila dahil maghahanda na daw sila para mamaya balak ko sanang tumulong sa kanila kaso ang sabi naman nila ay huwag nalang daw akong tumulong at babantayan ko nalang daw si Navi, para samahan si Navi papuntang rooftop mamaya at sumama na rin sa kanila si Zythrein tutulong din daw siya.



Papasok na sana ulit ako sa loob kaso may tumawag sa akin.



"Trichia  Jyne!" Lumingon ako sa taong tumawag sa akin at nakita kong humahangos na tumatakbo palapit sa akin ang malikot na stepsister ko tsk.



Nang makalapit na siya sa akin ay tinaasan ko lang siya ng kilay.

BREATHE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon