Chapter five

2.4K 38 88
                                    

CHAPTER 5

It takes a week to forget the mess we made of my cousin's secretly.

In my 20th years of existence, I never had a chance to feel those butterflies in the stomach, chills, cravings, and.....happiness? Parang ang sarap sa pakiramdam na may isang tao kang nabigyan ng pansin. Yung tipong may inspirasyon ka na sa mga bagay bagay na nakapaligid sayo.

I don't know, all of those things are new to me. Naalala ko dati nung high school days palang namin, wala man lang ako nagustohan isa sa mga kaklase ko. They even start a mutual booth for me and for someone para daw may ka-fling na ako pero ang magagawa ko lang ay magalit dahil pinipilit nila ako sa mga bagay na ayaw ko.

At noong mag-college naman, maraming nakakapansin na sakin dahil maganda daw ako at palaging focus sa pag-aaral. Men just seen me like an interesting game. Mas nakakagana daw ligawan iyong mga babaeng naka-focus lang sa pag-aaral dahil thrilling. Nainsulto ako sa eksplenasyon nila kaya pinagtataboy ko na lang. Ano ako laro? para maging interesado sila sakin?! Nah, wag nalang.

Well, we have our own kind of beliefs and wants. Gusto ko, pagmay manligaw sakin may sasabihin silang maganda. Wala pa ngang napapatunayan sa sarili, ang gagaling na magmalaki.

Inaasar na nga ako ng iba na mag m-madre nalang dahil hindi man lang ako naapektohan sa mga lalaki. Tsk, as if naman mawawala ang mga lalaki sa mundo! Pwede namang ipagdahilan na gusto ko lang i-enjoy ang pagiging single.

Anyway, dahil bakasyon ngayon, wala akong ibang ginawa kundi ang magbabad lamang sa kwarto at tumulong kay mama sa mga gawaing bahay.

At dahil kaarawan ng kapatid ko ngayong araw, masaya kaming nag-aayos ng mga desenyo sa loob ng bahay. Napagdesisyonang mamayang hapon pa ang paghahanda kaya may panahon pa para mag-ayos.

"Ma, ano pa ang bibilhin?" tanong ko habang tinitikman ang mga nakahanda sa lamesa. May niluluto kasi ito.

"Balloon, yung kulay yellow, pula at pink. Kung may makita kang maliliit na springles, bumili ka kahit dalawang supot lang. At saka yung mga grocery, isabay mo nalang din." saad nito habang hinuhugasan ang mga ginamit nya kanina.

Seryoso ko naman iyong nilista sa papel na dala ko. Paninigurado lang baka may makalimutan ako.

"Anong mga grocery ma?"

"Samahan mo na rin ng dalawang galoon ng icecream. Ano nga ulit iyong paborito ni Jana?" pangalan ng kapatid ko na magb-birthday ngayon.

Napaisip ako. "Mango siguro?"

"Sige, tapos birthday hat na din sampo lang. Wala namang masyadong bisita."

Tumango ako at ngumiti nang makitang nailista ko iyon lahat lahat ng sinabi niya. Iyong grocery nalang ang dapat kong isa-isahin. Kaya tinanong ko nga si mama tungkol doon, thankfully, hindi sya nagsusungit.

"Ok na ba ang lahat?" i nooded my head.

Naglakad na ako paakyat at nagpalit ng damit. Itinali ko na rin ang buhok para presko. I wore a plain white tee and tucked it in the waistband of my jeans.
Pagkababa ko ay laking gulat ko ng makitang naroon na ang pinsan ko.

Kanina pa sya hinahanap ni mama! Saan kaya to nagpunta?

Malayo palang ang nakikita ko na kung paano pamulahan ng mukha at tenga si Clyde habang nagkakamot ng batok. Napapakagat labi pa ito na para bang kinikilig sa sinasabi ni mama. Napailing ako. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

Pagkababa ko ay laking gulat ko ng magtama ang mga mata namin ng pinsan ko. Nakita ko kung paano gumalaw ang adams apple nya dhil sa paglunok.

I prevented his gaze. Pasimple ko ring kinurot ang sarili upang maging maayos at presentable. "Magt-tricycle lang siguro ako ma."

Just CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon