CHAPTER 21
“Kuya Hiro...” tawag ko nang makita si kuya na palalapit na sa pwesto ko.
“Ano na naman ang ginagawa mo dito?!” mahina ngunit may diing sambit nya.
Pinasadahan nya ng tingin ang mga dala ko at agad gumuhit ang pagkalito sa kanyang mukha.
I looked away.
“Aalis ka?”
Ang kaninang matigas nyang mukha ay napalitan ng pagka-amo. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mata kaya unti-unting uminit ang gilid ng mga mata ko.
“Buo na ang plano ko.”
Sinubukan kong maging matatag at salubungin ang mga titig nya. I dont want to hold back now. Kahit ayawan nya ako, magmatigas ako. Wala na syang magagawa.
“Anong pumasok sa kukute mo at gusto mong lumayas?”
“Kuya.....” nahihirapang tawag ko sa kanya. “G-Gusto ko na munang magpakalayo-layo. “N-Napagdesisyonan kong sumunod kay papa.”
“Tangina!” halos mapatalon ako nang hampasin nya ang lamesang nasa harapan namin. Galit na galit syang tumingin sakin habang nakakuyom ang mga nakapusas nyang kamay. “Ang problema kasi sayo ang dali-dali mong sumuko!”
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi nya maiintindihan. Hindi sya madaling makaintindi sa mga nararamdaman ko at kung ano ang gusto kong gawin. At hindi pwedeng lahat nalang ng gusto nya, susundin ko.
I took a deep breath. Katulad ng sinabi ko kanina, walang makakapagpigil sakin.
“Ang problema sayo ang dali dali mong panghinaan ng loob! Ang dali mong madali sa mga sabi-sabi! Ang dali mong paiyakin!” malakas na sigaw nya na ikina-tingin samin ng iilang tao sa paligid namin.
Nanlumo ako sa mga lumalabas na salita galing sa bibig nya. Totoo nga ang mga iyon. Ang hina-hina ko naman kasi.
“Why don't you try to fight for yourself, Clarisse?! Why don't you try to lift up yourself?! May kwenta kang tao eh! Kung sabihin nilang wala, edi galingan at ipakita mong mali sila. Its easy like that!”
“K-Kuya alam mo namang hindi ako kasing tapang mo diba? Its easy for you to say it kasi nga ang tapang tapang mo. Hindi mo narinig yung mga masasakit na salitang sinasabi nilang lahat sakin. Hindi mo naramdaman yung nararamdaman ko kaya mas madaling gawin sayo iyon. Kuya, sinubukan ko naman eh...” I sob. “Sinubukan ko...”
“Lower you voice!” sigaw at saway samin ng isang guardya kaya napatikom ang bibig ko.
Narinig ko ang bulong-bulongan sa paligid matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Mas lalong sumikip ang dibdib ko ngunit matapang ko paring sinalubong ang mga titig ni kuya sakin.
Pinunasan ko ang mga luha nang mapansin ang awang tingin nito.“Alam ba ni Clyde to?”
Napasinghap ako sa tanong nya. Nag-iwas ng tingin at hindi sya sinagot. Hindi alam ni Clyde ang plano ko na ngayong araw ako aalis ngunit sapat naman na siguro ang mga sinabi ko sa kanya kagabi.
Mas mabuting wag nalang ipaalam kasi anong magiging saysay nun kung wala naman syang pakialam sakin? Hindi rin ako handang harapin sya matapos nang mga nangyari at mga sinabi ko sa kanya.
Kinuyom ni kuya ang kamao. “Bakit hindi mo sinabi?! Edi sana mapipigilan ka pa nya.”
Tumawa ako ng pagak dahil doon. Wala syang alam sa nangyari kaya ang daling sabihin iyon para sa kanya. “I don't need his permission, kuya.”

BINABASA MO ANG
Just Cousin
AcakClarisse don't know what to name the feeling she felt toward her cousin. Naglaki syang bulag sa pag-ibig. Hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. At mas lalong hindi sya naniniwala sa pag-ibig. Maraming pagrereklamo sa utak niya, ngun...