CHAPTER 3
Let's talk about him.
Clyde Rodiric Jensen, he is half british and half filipino. Lumaki sya sa manila, sa condo unit nya at wala si tita para gabayan sya. May maliit na business sila at hindi pa ito masyadong kilala. Mag-isang pinatayo iyon ni Tita kaya dahil sa sobrang sipag nya, nawalan na sya ng oras sa nag-iisa nyang anak. Dahil dito, naging barumbado ang pinsan ko.
I don't know the whole story about them, but I know one thing. Naging ganito si Clyde dahil sa ginagawa ni tita Cheska sa kanya.
Well, I didn't question her as a mother, I just want to say that she never do her duty as a mother for her only son.
Ang problema kasi sa mga magulang hindi nila iniisip ang mararamdaman ng mga anak nila. They keep on giving things instead of attention, care and love.
Bagsak ang grado nya nung nasa college. Mahilig sya sa away. Nambubully din sya at nakailang ulit pang na-suspend sa iba't ibang subject. Nagkabarkada rin sya at natutong magsigarilyo, inom ng alak at gumalaw ng mga kababaihan. Nabalitaan kong muntik na rin syang makulong dahil sa mga ginawa nya.
But aside from that, wala naman syang ibang ginawang illegal at masasamang bagay na magpapasira sa pangalan nila ng ina nya.
Wala syang alam na kahit anong trabaho, kaya sobrang naiinis ako pagmaykalat na naman ang bahay nila. Ako nalang kasi palagi ang nagliligpit at nag aayos.
Because of of his badass attitude, pinatapon sya ni tita dito sa probinsya. Dinala sya ni Tita dito para maging maayos na o matutong rumispito at matutong magtrabaho. May naalala akong pinasabay ni tita Cheska sa anak noong una itong pumunta dito, and guess what? Hindi umabot ng isang linggo ay umalis na! Hindi daw nya kayang magpatino ng isang taong hindi nakikinig sa kanya.
Kaya ayun, balik na naman sila sa dating gawi. Mabilis rin kasing nakahanap si Clyde ng mga kaibigan dito kaya hindi na ako nagtaka ng magkasama sila ng kapatid ko.
May pinatayong bahay si tita sa tabi lang ng bahay namin, syang tinitirhan ni Clyde ngayon. Sampong hakbng lang ang kailangan at nandoon na.
Hindi kami masyadong nag-usap ni Clyde, bukod sa ayoko sa presensya nya ay naiilang din ako. If I'm not mistaken, pang dalawang beses palang itong nakapunta dito samin at nasa sampong taong gulang palang ata ako noon. Hindi ko na maalala ang mukha nya kaya hindi ko maiwasang humanga sa kanya.
Clyde has a good physical appearance. Maipagmamayabang ang kagwapohan nya. At dahil naglaki sa isang City, masasabi kong naiiba talaga ang ayos nya kumpara samin. Ang pinsan kong 'yun ay malaki ang charisma. Maraming nahuhulog na mga kababaihan sa kanya. Minsan nga ay nakikita ko ang mga humahanga nito sa harapan ng bahay namin. Kunyari makipag-usap sa kuya ko pero ang totoo ay si Clyde lang naman ang pinunta.
Inaamin kong pogi talaga si Clyde.
Anyway, Ako naman si Clarisse Jenifer Cestilla, they usually call me Claire o Clarissa. 20 years old na ako at kaka-graduate lang ng BS in Mathematics sa University of Cebu.
Magtatrabaho na ako pero hinihintay ko nalang ang confirmation ng mga schools na napasahan ko ng requirements. Sa ngayon ay nasa bahay lang muna ako at paminsan minsan tumatanggap ng pagiging tutorial sa mga kabataang nahihirapan sa Math. Siguradong sa susunod na pasukan, makakapagtrabaho na talaga ako.
Bilang pangalawang anak, masasabi kong nahihirapan na talaga ako. Dapat sa edad nato, nagsisimula na sana akong magplano para sa mga pangarap ko at magsimula, kaso ang labo. I mean, ayaw akong payagan ni mama na makalayo sa kanila dahil daw baka makalimutan ko na ang mga ginawa nila sakin. Nakakatawa lang isipin na para bang tingin nila sakin wala akon utang na loob. Hindi naman kasi ko ganung klaseng anak katulad ng iniisip nya.
BINABASA MO ANG
Just Cousin
AcakClarisse don't know what to name the feeling she felt toward her cousin. Naglaki syang bulag sa pag-ibig. Hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. At mas lalong hindi sya naniniwala sa pag-ibig. Maraming pagrereklamo sa utak niya, ngun...
