Chapter six

2.2K 35 118
                                    

CHAPTER 6


"Pakisali to.." napatingin ako sa cart nang ilagay nya ang dalawang supot ng junckfoods doon. Kumunot ang noo ko at ibinalik ito sa kinuhanan nya kanina. Pinapanuod nya naman ako habang ginagawa iyon.

"Bakit?"

I arc my eyebrow. "Anong bakit? Wala kang perang ambag dito!" aba, hindi pwedeng isali ko pa ang pinamili nya. Sya nga ang nagbayad sa tricycle kanina pero bente pesos lang namn 'yun.

He gave me a puzzle look and I answer him using my arogant smirk. Akala naman nya ililibre ko na sya porket pinsan ko na sya at crush pa.

Napailing ito at kinuha ulit ang sitserya nyang napili kanina. Pagkatapos ay tinignan nya ako ng seryoso. "Just put it here, babayaran kita mamaya sa cashier."

"Eh ang bigat nyan!" reklamo ko.

Pinitikan nya ako sa noo na ikinabigla ko. "Ang oa mo. Dalawa lang naman to."

Napapadyak ako ng paa. Inis ko syang inismiran nang mauna syang maglakad sakin. Talagang hahayaan nya talaga akong dalhin ang pinamili nya.

Tatawagin ko na sana ulit nang makita kinakausap na nya ang isang saleslady. Ngumuso nalang ako at hinayaan ito. Naglakad ako patungo sa stall ng mga tindang balloons at iba pang pinabili sakin ni mama. Hindi naman talaga masyadong marami ang bisita mamaya tutal, bata pa ang magb-birthday. Mga kumari lang ata ni mama ang dadalo at mga kaibigan ni kuya Hiro.

I have a few friends but we're not that close kaya wala akong maiimbita. Hindi rin naman sobrang espesyal ang kaarawan kaya ok lang maging simple ang handaan.

Binasa ko ang mga nailista at luckily, narito sa mall lahat ng bibilhin. Hindi ko na kailangan maghanap sa ibang mall para sa kakailanganin.

Nilibot ko ang mga mata at hinanap si Clyde. Ilang minuto na rin itong nawala simula nung maibigay nya sakin ang junckfoods nya. Saan kaya yun nagpunta?

Wala naman akong alam na bibilhin nya dahil sa pagkakaalam ko, pinasama sya rito para tulungan ako. Tsk, nambabae na naman siguro yun.

I shrugged. Baka nga nambabae yun. Mabilis kasing magkakaroon ng admirer si Clyde dahil gwapo at palakaibigan. Pilyo sya pero taas taas ng charisma pagdating sa babae at bakla. Baka may madalit na naman yun pagka-uwi. Another trouble na naman.

Hindi ko nga sya natanong tungkol sa mga nabasag na bagay sa bahay nila noong mga nakaraan pero napag-alaman ko na may nangyaring away nga sa pagitan ng mga kaibigan nya, base sa narinig kong kwento ng mga kapatid ko. Alam nyo namang chesmoso ang mga batang iyon, narinig daw kasi nila ang sigaw ng mga bakla.

Actually, mahilig din sa bakla si Clyde. Sana nga magka-HIV sya para magsawa na rin sa sex. Hayst, pati kasi ako nadadamay sa pagkamanyak nya. Pero syempre joke lang sa HIV!

Minuto ang lumipas nang napagdesisyonan ko ng magbayad sa cashier. Nililibot ko ang paningin ngunit wala parin ang mokong. Bumuntong hininga ako. Hayaan nalang, mamaya pa naman ako uuwi dahil bibili pa ako ng mga grocery, inuna ko lang talaga yung binilin ni mama para sa birthday.

Sinabihan ko ang tauhan sa cashier area na iiwan ko muna ang mga binili ko sa counter. They agreed so I proceeded to my next destination.

Grocery.

I add another cart to fit all of the grocery list. Una kong inilagay ang mga delata at noodles. At saka iba pa.

I was having a good time reading all the in the list when I bump into someone. Sabay kaming humingi ng tawad at hindi ko man lang ito natingnan sa mukha.

Just CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon