Chapter twenty-six

578 18 2
                                        

Warning: Read at your own risk.


Chapter 26

Nagising ako kina-umagahan na masakit ang ulo. Wala ako sa mismong kwarto. At lumipas ang gabi nang wala ako sa bahay ko.

“Tangina!” paulit-ulit akong nagmura habang nakatitig sa suot ko. Its not mine. Kulay puting t-shirt na sobrang laki! May undergarments pa ako pero tangina! Nakita parin ang katawan ko.

Halos mangiyak-ngiyak kong binalot ang katawan sa kumot.

Hindi maaari to! Matagal kong iningatan ang katawan ko tapos ngayon, makikita lang ng kung sino?! Ugh. But thank god, I wasn't rape.

Pinakiramdaman ko ang sarili kanina at alam kong walang nangyari sa katawan ko. Alam ko ring nasa labas lang ang taong nagdala sakin dito. Narinig ko ang yapak nya kanina! At alam ko ring lalaki sya! Paano ako makakatakas nito?!

“Yes, tito. Babalik ko sya mamaya pag gising na.”

Biglang bumukas ang pinto at halos dinaga ang puso ko nang makilala ang boses nito.

Clyde....so its true. Akala ko guni-guni ko lang iyon kagabi.

“Thank you po.” he's sounded like the happy-go-lucky Clyde I knew. But that was before.

Kahit kinakabahan may ay nakahinga pa rin ako ng maluwag. At least, sya ang kasama ko ngayon....diba?

Binuksan ko ang kumot na nakakip sa katawan at hinarap ito.

Nasa harapan sya ng kama at kakababa nya lang ng cellphone. Sinalubong ko ang nanlalaki nyang mata nang makita akong nasa harapan nya.

Mabilis syang nag-iwas ng tingin habang ako naman ay naiwang nakatitig sa kanya. O sa katawan nya? Hmm?

Fuck! Bakit kasi nakatuwalya lang sya?! Reveal na reveal tuloy yung pandesal nya!

He cleared his throat. Ako naman ay nabalik sa realidad at nag-iwas ng tingin sa kanya.

“Good morning.” I don't know, but his husky voice send shiver in me. Parang ginising nito ang kakaibang emosyon sa pagkatao ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Iwas na iwas ang tingin ko sa kanya dahil alam kong pagtiningnan ko sya didiretso ang titig ko sa katawan nya.

Fuck! What in the world is happening to me?!

“Gutom ka na ba?”biglang tanong nito kaya mabilis rin akong napatingin sa kanya. Hindi ko maiwasang tignan sya mula ulo hanggang paa. Sheyt! “Teka, mag bibihis lang ako ha.” ramdam ko ang taranta sa boses niya.

Napangiti tuloy ako. Parang yung dati lang––damn! Stop thinking about the past, Claire! Marami na ang nangyari!

Wala akong nagawa nang maglakad ito patungo sa malapit na kabinet. It was meters away from me and in an instant, I already smelled his manly scent.

Pinamulahan ako ng pisngi kaya wala sa sariling binalot ko ulit ang katawan ng kumot. Nakakahiya pag nakita nya akong namula! Baka ano pang isipin nya!

Just CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon