CHAPTER 12
Nang makarating sa bahay ay mabilis akong nagpalit ng damit. Wala akong magawa kaya naisipang kong maglinis ng bahay habang niluluto ang pagkain na para lang sakin.
Sinabayan ko rin ito ng pagpapatugtog ng modernong kanta na halos maririnig na ng buong baranggay sa sobrang lakas.
Inuna ko ang sa sala. Masigla ko itong inayos at tinaggal ang iilang alikabok sa dingding, sa ilalim ng tv, pinagpagan ko rin ang iilang mga souvenirs ni mama na nanggagaling pa sa mga kasal at ang mga picture frame na nakakabit sa loob ng bahay.
I still have a picture with me and my family. Ang mukha ni papa ay nandito pa rin sa bahay kaya kahit alam kung nasasaktan man si mama, tatanggapin nya parin si papa kung sakaling babalik man ito. Mom is a serious amazon, pero may utak at puso pa rin naman ito.
I as looked intently at our picture together. Kapansin-pasin na naiba ang hugis ng mukha ko. I got my dark eyes from dad. The nose, and the tiny ngolngol sa labi. And the rest was from i don't know. Wala akong nakuhang genes na nanggaling kay mama. Kahit nfa raw sa ugali pagbabasehan, wala akong nakuha mula dito. Honestly, i am different from my other siblings.
“Geez, I am just thinking too much!” sita ko sa sarili. May nagsasabi rin namang may nakuha rin ako sa mukha galing kay mama pero iilan-ilan lang.
Kaya siguro ganito nalang ang galit sakin ni kuya Hiro dahil sa pagmumukha ko. Naalala ko dati na sobra sobra ang galit nya kay papa dahil sa panloloko nito kay mama. Kaya hindi ko rin sya masisisi nang pagtaasan nya ako ng kamay.
Speaking of which, i remember Clyde again. The last time we had a fight.
“Ah basta! Ayoko na sa kanya!” inis kong kurot sa sarili. Marami akong rason para iwasan sya. Una, we're just cousin. Pangalawa, babaero sya. Pangatlo, pakitang-tao sya! Ayoko sa mga paasa! Hinayupak na nakikipaghalikan nalang kahit kanino! At marami pang iba!
“Akala mo naman gwapo! Tse!” inis kong kausap sa sarili.
Pero bakit... bakit sobra ang galit nya nang muntik na akong pagtaasan ng kamay ni kuya Hiro? bakit sobrang nag-aalala sya sakin? At bakit ayaw nya akong makikipag-usap sa ibang lalaki?, Bakit ba ganun sya umasta?!Nakakainis!, Hindi ko kasi naiintindihan ang pinapakita nya.
“Pakitang-tao!” the one word that running inside my head. Pakitang-tao sya! Kunyari nagseselos pero ang totoo marupok pala! Tsk!
Marami pa akong nirereklamo sa sarili habang inaayos ang mga gamit. Para na nga akong baliw sa pakikipag-usap sa sarili. Pero kasi gusto kong ilabas ang inis ko! Wala naman atang mali dun.
Matapos sa sala ay sinunod ko ang kusina. This time, inuna ko ang niluluto dahil nagugutom na din ako. It almost 12 in the morning. Ganun ako katagal naglinis sa sala.
Naisipan kong lutuin muna ang itlog for egg sandwich. At inayos ko na rin ang gulay para sa pakbet. Pang tanghalian to gabi na!
Habang nilalaga ang itlog ay nagsimula na akong maglinis ng mga kagamitan sa kusina. Inayos ko ito. Siguradong magugustohan to ni mama!
Yes, i guess i need to apologize to her again. Tatanggapin ko nalang ang sakit ng mga salita nya. Kasi wala naman akong magawa kundi tanggapin nalang lahat ng mga sasabihin nya. Because I know, I deserve that too.
Pakatapos ko sa kusina ay tamang tama ang pagluto ng itlog. Mabilis akong naghanda para sa pinakbet kaya mabilis rin itong naluto.
Habang kumakain ay naisipan kong maglaba pagkatapos kumain. Maglalaba nalang ako ng mga damit ko dahil wala naman akong gagawin. Ayoko ng magmukmok sa kwarto at baka ano na naman ang pumapasok sa kukute ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/262877632-288-k151137.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Cousin
Ngẫu nhiênClarisse don't know what to name the feeling she felt toward her cousin. Naglaki syang bulag sa pag-ibig. Hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. At mas lalong hindi sya naniniwala sa pag-ibig. Maraming pagrereklamo sa utak niya, ngun...