Chapter Thirteen

1.2K 22 2
                                        

CHAPTER 13


My dream is to hear rocks hitting the window and you—standing there in the middle of the rain.

-

“K-kaya mo pa bang t-tumayo?” i am scared. Natatakot ako sa kulog at kidlat pero mas natatakot ako sa sitwasyon naming ngayon ni Clyde.

Hindi ito sumagot at dahan dahang ipinikit ang mga mata.

I sob “C-Clyde naman, get up! T-Tutulungan kitang makatayo.” niyugyog ko ang balikat nya pero hindi na ito kumikibo. Dumoble ang kabang nararamdaman ko.

“C-Clyde..”

“I'm f-fine.." he cough two times then smiled. "Okay lang ako, C-Claire.” minulat nito ang mga mata at inabot ang pisngi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa nito.

“T-Tara na...” pinilit nito ang sariling makatayo. Basa na kaming pareho at wala na akong pakialam doon.

“K-Kaya mo pa ba?”

Malumanay itong tuminingin sakin at mahinang tumango. May ngiti sa mga labi. “K-kaya pa.”

Walang pag-aatubi ko itong tinulungang makatayo. Hinawakan ko sya sa braso at baywang. At pagkatapos ay sabay  kaming nagtungo papasok sa loob ng bahay.

Mabilis ko itong pina-upo sa sala at  patakbong kumuha ng kumot sa kwarto ko. Nang makabalik sa sala ay kitang kita ko ang nakapikit nitong mga mata habang yakap yakap ang sarili.

Pinahid ko ang luha at umayos ng tayo. Minasdan ko sya habang may kaunting kirot dito sa puso ko. 

“Clyde, may kumot a-ako."

He opened his eyes. Ngumiti at hinarap ang buong sarili sakin. Kitang kita ko ang pagod sa kanyang mga mata kaya pilit kong iniiwasan ang mapatingin dito. 

“Come h-here.” iminuwersa nito ang kamay at binuka ng malaki. Na para bang naghihintay ng isang yakap.

Hindi pa ako makapagsalita nang unti-unti itong tumayo at naglakad palapit sakin. Then for a seconds I felt my body numb because of his embrace.

He coughed again and tighten the hug. “I-I'm sorry.”

Natuod ako sa kinatatayuan dahil sa ginawa nito. Mas akong hindi makagalaw nang mas higpitan nito ang yakap. He was trembling. At hindi ko alam kung sa takot ba iyon o sa lamig. Katulad ko ay basang basa na kaming pareho. Tumutulo na rin ang tubig sa sahig.

“I'm s-so sorry, C-Claire.” it pained me. Why is he keep on saying sorry?

And what is he doing here? Nandito ba sya para sakin? Nag-aalala ba sya sakin?

Namuo ang luha sa mga mata ko at namalayan ko nalang ang sarili na tinugon ang yakap nito. Inihilig ko ang ulo sa dibdib nito at mahinang umiyak.

He's here. Nandito sya. Umuwi sya. Sa gitna ng malalakas na ulan at sa madilim na paligid, umuwi sya at nandito sa tabi ko. Basang-basa at mahigpit ang yakap sakin.

I silently wipe my tears. Humiwalay at tumitig sa kanyang malalim at pagod na mga mata. “M-Magpahinga ka na, Clyde.”


Nakita ko kung paano lumandas ang sakit sa mga mata nito. Magsasalita pa sana ulit ako nang dahan dahan nitong itinaas ang kamay at pinahid ang luha saking pisngi gamit ang mga daliri.

Just CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon