CHAPTER 7
Matapos ang simpleng asarang iyon ay napagdesisyonan na naming umuwi. Binayaran lang namin ang nabiling grocery at umuwi na.
Hanggang sa makarating sa bahay ay ganoon parin ang estado naming dalawa. Hiyang-hiya ito pero pinipilit lang maging masungit.
Sa jeep na kami sumakay dahil hindi naman masyadong puno at saka mas mabilis bumyahe. Nang nasa loob kami ay may sumakay na tatlong lalaki. Parang kakatapos lang nilang magbasketball dahil sa basa nilang damit at bitbit na bola. Sa tingin ko ay nasa teenager palang ang mga ito.
"Tangina pre, shawty.." nakita ko kung paano sumiko ang isang lalaking nasa gitna habang nakatingin sakin at malaki ang ngiti.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Cancel mga dre, may shuta na." rinig kong bulong naman niyong nasa kaliwa.
Napatikhim ako. Pito kaming lahat ang nasa jeep pero dahil may kalakasan ang mga boses nila ay naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan.
Napatingin ako kay Clyde at hinihintay ang magiging reaksyon niya. Ngunit nakita ko lang itong nakapikit na para bang natutulog. Makatabi kaming dalawa kaya nag-iinit ang mukha ko sa posisyon namin.
Patuloy parin ang pagpaparinig sakin ng mga lalaki at isinawalang bahala ko na lamang iyon. Pasimple ko nalang na pinulupot ang kamay sa braso ng pinsan ko para makita ng mga ito na may kasama ako kaya dapat tumahimik na sila.
Bumuntong hininga ako nang hindi man lang ako pinigilan ni Clyde na gawin ang gusto ko. Baka isipin pa nitong sinadya ko! Pero sinadya ko naman talaga. Iisipin ko nalang na tulog nga sya para mamaya na ako mahiya.
"Ehem..." nanlaki ang mata ko. Kumabog ng pagkalakas ang puso nang gumalaw ang braso nya. Minulat nya ang mga mata at kinunutan ako ng noo.
Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko. Ngingiti na ba ako?! Iiwas?!
Tumingin ito sa kamay kong nasa braso nya bago sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi. Gustohin ko mang magdahilan pero baka isipin nyang sobrang defensive ko. Isa pa nakatingin sakin ang mga lalaki.
"Sweet mo naman pala." still grinning. Umawang ang labi ko nang kinuha nito ang kamay ko at walang pasabing pinaghugpong ang mga ito.
Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa nito.
Pagkatapos ay bigla nyang dinampian ng halik ang noo ko at maangas na tiningnan ang mga lalaking kanina pa nakatingin samin. Mas lalong namula ang pisngi ko dahil doon.
"Locked" he said while looking at our interwined hands. "Sorry sila, may pinsan kang gwapo at mapagmahal."
-
Pagkarating sa bahay ay mabilis kaming humiwalay sa isa't-isa. Tinulungan ko na si mama sa pagdesinyo at paglalagay ng mga pagkain sa sala. At kapag nagkasalubong kami ni Clyde ay magngingitian lang kami.
Hapon na nang nagsidatingan ang mga bisita. Katulad ng inaasahan ay hindi masyadong marami ang dumating. Its good for me, kasi wala ng masyadong hugasan.
"Hi, Clarisse!" kaway ni Jastin. Kaibigan ng kapatid ko.
Ngumiti ako at kumaway pabalik. "Pasok ka."
Nagmamadali naman itong lumapit sakin at malaki ang ngiti. Bahagya nya pang pinasadahan ng hintuturo ang buhok upang suklayin. "Kuya mo?"
Napangiti ako sa swabeng galaw nito. Gwapo naman talaga si Jastin kahit simple. Isa sa mga pinaghahalingan ng mga kababaihan sina kuya Hiro at mga kaibigan nya sa school kaya may ipagmamalaki talaga ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Just Cousin
RandomClarisse don't know what to name the feeling she felt toward her cousin. Naglaki syang bulag sa pag-ibig. Hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. At mas lalong hindi sya naniniwala sa pag-ibig. Maraming pagrereklamo sa utak niya, ngun...
