CHAPTER 25
Relieve. That's the first emotion that I felt right now.
Pinikit ko ang mga mata. Hinayaan ko ang sariling kumalma dahil ito ang kinakailangan ko ngayon.
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko. Nag-iisip at naghahanap ng kasagutan sa mga tanong ko.
Ano na ang gagawin ko ngayon?
Ngayong nalaman ko na ang lahat-lahat. Ano ng gagawin ko? Pupuntahan ko ba si tita Cheska––si mama?! Dang, I should start training myself to call her 'mama'. Its awkward but it feels good.
Kakausapin ko na ba sya?!
Si Clyde...nandon kaya sya? Anong unang ibabati ko sa kanya?!
Hi Clyde, hindi pala tayo magpinsan. Pwede mo na akong jowain.
Clyde,pwede na nating ipagpatuloy ang naudlot na kwento. Char kwento!
Nakakahiya!!
“Argh!” I let a loud groan and rolled in the bed. What now?! What should I do now?!
Inom nalang kaya ako?
Damn, great idea!
Wala akong sinayang na oras at mabilis na nag-ayos ng sarili. Its still 9 in the evening and this is the right time to get drunk.
I grab my knee-length red tube dress and partner it with my knitted peach cardigan. The softness of the material instantly hugged my body.
Sunod akong umupo sa tapat ng vanity mirror. Tumaas ang buhok ko na dati hanggang ilalim ng dibdib ko lang ngayon ay umabot na sa bewang ko ang haba. My wavy hair was colored in ash gray which complemented with my skin.
Sunod kong inayosan ang mukha. Simple lang ang inilagay ko. I only applied light red lipstick and blush on. With this outfit, I could tell that I change. Not physically but mentally too.
Nang matapos sa pagmamaganda sa sarili ay kinatok ko na ang kwarto ni papa. Nang nasa harapan na ako ay nakita ko ang maliit na sticky note sa pinto.
I smiled by the cringe of my father. Really, uso pa pala to?
'Nasa kay kumpare ako.' sulat kamay nya ito.
Kapitbahay lang namin ang tinutukoy nito kaya kailangan ko nalang bumaba para makapagpaalam na ako. Kinuha ko lang ang handbag na dadalhin ko at pumanhik na pababa.
Ayos-ayos na akong naglakad sa harapan ng bahay ng mga ito at tinawag si papa. Mabilis syang nakalabas at nagtaka sa suot ko.
I smiled. “May pupuntahan ako.”
“Saan?”
“Dior Y's Bar lang. I'll be back by 12. May susi na ako dito sa bahay kaya hindi mo na ako kailangan pagbuksan.” mabilis kong agap. This is my third time going in the bar and he always let me. Basta hindi lang daw magpapagabi. I'm old enough though.
Dior Y's Bar are 40 minutes ride only. Kailangan ko lang magdala ng mismong sasakyan at gusto kong manghiram kay papa ngayon. Kahit itong Jimny nya nalang. I won't get drunk too much because I know my limitation.
“Manghihiram ako, please?” I was referring to his car. Two months ago, he trained me to drive a car and this is what happened. Ginagamit ko lang iyon maglakwatsa.
Napailing si papa.
I pouted my lips. “Hindi ako mag-iinom ng marami, promise!”
He let out a sigh and I held me his car keys. Halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa pagpayag nya.
BINABASA MO ANG
Just Cousin
RastgeleClarisse don't know what to name the feeling she felt toward her cousin. Naglaki syang bulag sa pag-ibig. Hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. At mas lalong hindi sya naniniwala sa pag-ibig. Maraming pagrereklamo sa utak niya, ngun...
