CHAPTER 1
"Ibigay mo nga to sa pinsan mo. Sabihan mong kumain na sya! Nako, ako ang makakatikim sa nanay nyan kung magkasakit yang lalaking yan! Gisingin mo nalang din dahil alas-onse na!" sigaw ng maganda kong ina sa harapan ko. Oo sa harapan ko talaga.Hindi naman halatang stress na sya samin 'no? tsk.
Umirap lang ako bilang sagot at inis na kinuha ang pinadala nitong baonan. "Ako nga di pa nakakakain inuna pa yung gagong yun. Aba! Sinong anak mo samin ma?!" nakabusangot kong saad.
Mas lalong nagsampukan ang kilay nya kaya kaagad akong lumayo. May dala syang sandok, baka isapak nya pa sakin. Katakot!
"Anong di pa nakakakain? Akala ko ba tapos ka na?" muling sigaw nya kaya napasimangot nalang ako.
"Di pa nga 'eh, paulit-ulit?" masungit kong usal at tumalikod na. Narinig ko pa itong nagsasalita at pinapagalitan ako pero hindi ko na pinansin pa.
Tinignan ko ang laman ng baon, abodo ang laman nito. At alam kong kagabi pa naming ulam yun. Kasya lang sa iisang tao, naisipan ko pa sanang makisalo nalang sa pinsan ko mamaya pero malabo na atang magkasya saming dalawa 'yun. Matakaw ako, at baka ako pa ang maka-ubos ng dinala ko.
Malapit lang ang bahay namin ng pa-VIP kong pinsan. Nag-iisa lang sya sa bahay dahil pinatapon lang naman sya ni tita dito samin para magtino. Kaso maliit pa ata sa monggo ang utak ng pinsan kong 'yun kaya napaka-imposible ng mangyari.
Sampong hakbang lang ang nagawa ko ay nakarating na agada ako sa kanila. Hindi na ako kumatok dahil alam kong bukas rin naman iyon.
Malaki ang bahay ng pinsan ko dahil may pera sila at nag-iisang anak lang sya. Kumpleto ang lahat at may maliit lamang na garden sa labas ng bahay nila---na ako naman ang nagtanim. Maganda ang pagl-landscape at porma mula sa labas ng bahay hanggang sa loob. Malinis ang lahat kaya mahilig talaga akong tumambay sa bahay nila, dati, dati lang yun. Nung wala pa ang pinsan ko.
Dalawang buwan ng nandito ang lalaki pero hindi kami masyadong magka-usap. Masungit ako sa kanya at pilyo sya. Unang kita ko pa nga lang sa kanya alam ko na, na pagnilapitan ko to, maiinis lang ako.
Masasabi kong malaki ang inis ko 'dun, at marami akong dahilan.
Tulad ngayon, pagkapasok at pagkapasok ko palang sa bahay niya, bumungad na kaagad sakin ang napakarumi at napakakalat na silid. Hindi ko tuloy alam ang magiging reaksyon ko.
I pity this house for having a irresponsible guy living here. They're used to be clean before!
Isa ito sa napaka-ayaw ko sa pinsan ko.
Sa sala palang ng bahay, bumungad na kaagad ang mga nagkakalat na dumi ng mga ginawa nila. Maraming mga beer sa lamesa, pagkaing hindi nila natapos at iniwan lang sa sala. Mga natirang sitserya, plastic at mga natapong sigarilyo.
Its disgusting. Ewan ko nga, paano naging ganun kagwapo ang pinsan ko eh marumi naman ito sa bahay! Nakakainis isipin yung mga ganun.
Naka amoy ako ng mabaho kaya napatakip ako sa ilong. Napahinto nalang din ako sa paglalakad dahil iniisip ko pa kung saan ako dadaan.
Muli kong nilibot ang paningin sa paligid. Mas lalo akong nainis nang mapansing may basong basag sa tabi ng lamesa. Pinaghirapan ni tita itong mga to tapos mababasag lang?
If I'm not mistaken, I have heard unknown noise coming here. Nasa kwarto lang ako kagabi at narinig ko ang mga away nila. Kung away ba talaga yun o ano? I don't know. Pero dahil dito sa basag na baso, parang may maliit na akong naisip na napa-away nga sila.

BINABASA MO ANG
Just Cousin
AléatoireClarisse don't know what to name the feeling she felt toward her cousin. Naglaki syang bulag sa pag-ibig. Hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. At mas lalong hindi sya naniniwala sa pag-ibig. Maraming pagrereklamo sa utak niya, ngun...