Chapter nine.

2.3K 28 2
                                        

CHAPTER 9


Congratulations! You are choosing to be part of National Northwest Collage as their colleages!

Patakbo akong nagtungo pababa dala dala ang balitang iyon. Masigla akong pumanhik sa kusina dahil dito ko naririnig ang tawanan at asaran nila.

Nakapaslak ang ngiti saking mukha nang maglakad ako sa harapan nila.

"Uy, insan kumain ka na ba?"

Hindi ko pinansin si Clyde at tumingin lang kina mama. "Ma, kuya, Nakapasa ako!" masigla kong balita sa kanila.

Nilingon ako ni mama. "Mabuti naman at may patutunguhan rin ang pag-aaral mo."

Pumalakpak si kuya. Tumayo at naglakad palapit sakin. Masaya nya akong inakbayan at ginulo ang buhok ko. "Tsk kuya wag mo namang guluhin!" sita ko dito ngunit tumawa lang ito.

"You did great!"

Kumislap ang mga mata ko sa tuwa. At least, may kuya akong marunong tumingin sa effort ng iba. Hindi katulad ni mama.

Nagawi ang tingin ko dito habang nilalagyan nya ng pagkain ang pinggan ng mga kapatid ko. She didn't really appreciate it, I guess? Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Parang wala lang naman talaga sa kanya.

Isinawalang bahala ko ang isiping iyon.
Ayaw kong mawala ang ngiti ko dahil lang doon.

Sunod na lumapit si Clyde sakin at nabigla ako nang salubongin nya ako ng isang malaking ngiti at mahigpit na yakap. Didn't mind those who seen us in that state.

"Proud na proud ako sayo." bulong nito na ikinasikip ng puso ko.

He's the only one who said that in me. Ang taong yumakap sakin.

Maybe Im over reacted but ngayon lang kasi may isang taong nagparamdam at pinaramdam sakin na worth it ang paghihirap ko.

I clearly  remember the time when I graduated High School, ako lang ang walang pamilya ng mga oras na iyon. Hindi man lang sila nagpunta sa mismong araw ng ceremony dahil daw may importanteng gagawin si mama at may trabaho si papa. Nagkasakit rin ang bunso naming kapatid. Even kuya Hiro, hindi sya nagpunta dahil inuna nya pa ang girlfriend na magg-graduate din kaso nasa ibang school.

Para akong tangang naghihintay sa itaas ng stage kung sino ang magsusuot sakin ng medalya.

Doon ko nalang napagtanto na walang saysay ang pagiging valedictorian kung wala naman ang pamilya ko para samahan at ipagmalaki ako. Well, Im not attention seeker, ngunit iyon ang naisip kung paraan na makita nman nila ako. Maybe if I had a high grade, they will be proud of me.

But sadly, they did'nt! I have done my best but they did not appreciate it.

Though, hinayaan ko na lang ito at pilit inintindi ang sitwasyon. Over all I can't  even complain and express my agony towards them.

They just made me feel discarded. Everytime.

"Nabanggit sakin ni maring Elsa tungkol sa araw ng kasal ng anak niya. Sa susunod na araw pa ito at imbitado tayong lahat sa ceremonya. Inanyahan nya tayong pumunta sa kanila ngayon para magsukat ng dapat suotin." Basag ni mama sa gitna ng yakapan namin ni Clyde. Mabilis kaming humiwalay sa isa't-isa at nailang na lumayo. "Pwede kayong pumunta sa kanila mamaya." Pagpapatuloy ni mama at saka tumingin sakin.

"Magaling! Makakapag-inoman na naman ako." masayang ani Clyde kaya nasapak ko ang balikat nya.

Natawa naman syang bumaling sakin.

Just CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon