Chapter ten

2.1K 30 16
                                        


CHAPTER 10

"Clarisa! Ang tigas ng ulo mo. Diba sinabi kong bumaba ka na riyan? May iuutos ako!"

Marahas kong hinagis ang unan sa ibaba ng kama at sinipa ang maliit na basurahan na ikinatapon nito sa kung saan.

Lumabas ako ng kwarto na gulong-gulo ang buhok at masama ang timpla.

"Bumili ka ng-----"

"Ano?!" mabilis kong putol sa sinasabi nito. I can't help myself to goddamn annoyed! Natutulog ako eh!

Mabilis naging dragon ang expresyon nito at handa ng mangain ng tao. "Wag mo akong masigaw-sigawan ha!! Sumasama ang ugali mo ah!"

I mentally rolled my eyes in irritation. Kung sabihin nya nalang ang ipapabibili para mas madali! Tangina. Gusto ko na ulit mag-mokmok.

"Pagod ako ma." kalmado kong saad na ikina-irap nito. Nasa kusina kami at may niluluto ito.

"Anong ikinapagod mo?! Wala ka namang ginawa kundi humiga sa kwarto mo buong araw?! Ni hindi mo hinugasan itong mga pinggan!"

I took a big heave and exhaled gently. Wag naman sanang sumabay to sa inis ko. Letche!

"Anong ipapabili mo, ma?" muli kong tanong sa tuno ng kalmado.

Bumalik ito sa paghalo ng niluluto nya bago ako hinarap. Nakataas ang kilay nya at masama pa rin ang tingin sakin. Kung 'di ko lang kayang pigilan ang sarili ko, kanina pa ako nagwala sa harapan nya. Tangina.

"Ayusin mo yang ugali mo para hindi ka makakakuha ng sampal sakin! Hinayaan na nga kita sa kwarto mo buong araw at may gana ka pang magalit?!!" She paused at pinaliitan ako ng mga mata. "Umuwi ka kahapon nang walang paalam! Hindi ka kumain kagabi hanggang kaninang umaga! Hapon ka na lumabas ng kwarto mo. Anong nangyari sayo?! Sinapian ka ba ng demonyo?!"

I bit my lips too hard to prevent myself to burst out of anger. Fuck! Fuck! Fuck! Ayaw kong makipagsagutan kay mama kaya please Panginoon pigilan nyo bibig ko.

"M-Ma..." habol hininga akong nag-angat ng tingin at marahang lumunok. "Ano po ang ipapabili nyo?"

"Wag na wag mo akong subukan, Clarisse ha!! Nakakagigil ka----"

"Putangina naman ma!!?! Ano ba kasi ang ipapabili nyo?!" Nanginig ang katawan ko nang sabihin iyon. Fuck! Fucking life!

Kitang kita ko kung paano umawang ang labi nito at tiningnan ako ng hindi makapaniwala.

"Aba't walang hiya ka----"

Before she could even finish her sentence I immediately stopped her.

"Fuck ma! Wag nyo namang sabayan ang inis ko! Eto na nga ako at sinusunod ka tapos pagagalitan mo naman ako?! tangina wag ngayon ma, please?!" sigaw ko. Punong-puno ng paghihinagpis at inis ang puso ko kung kaya't may gana akong tingnan si mama ng masama sa mga mata.

Imbis na sundin ako ay mas lalong naging lion ang expression nito. Sa isang iglap lang ay nakalapit na sya sa harapan ko at sinabunutan ang buhok ko.

I screamed.

"Ma!!! Ano ba?!" pilit ko akong kumawala sa kapit nya ngunit mas malakas sya.

Napaiyak ako. "Ma!!" hindi ako lumaban.

"Wala kang hiya?! Pinalaki kang tama tapos ganito ang magiging kapalit ng ugali mo?! Mamatay ka na!!" patuloy ang pagsabunot nya sa buhok ko at hindi ko na napiligan ang sariling lumaban.

I pushed her body. Napaatras ito sa ginawa ko at nangangaliiting tumingin sakin.

Wala sa sariling napayuko ako."M-Ma, sorry...."

Just CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon