Chapter Eleven

1.5K 25 7
                                        

CHAPTER 11


Mugto ang mata kong nakatitig sa harapan ng salamin. Its already 6 in the morning. Namumula ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi. 3 am na ako natulog at hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Umiyak lang ako ng umiyak.

Mula sa pagsampal ni mama, ang nangyaring sagutan namin ni kuya, hanggang sa pagpapaalis ko kay Clyde.

Kahit sobrang sakit ang nangyari samin nila mama, mas nasaktan pa rin ako habang naalala ko ang paghalikan ni Clyde sa ibang babae. The pain hits different. Hindi iyon mabura-bura sa isipan ko. Nasasaktan ako kaya nasabi ko kanya na tigilan na namin ito. Wala kasing patutunguhan, eh. Wala akong karapatan kaya tigilan nalang.

Ang hirap kayang masaktan na walang karapatan.

Nanubig ang mata ko nang muli kong maalala ang pagpapa-alis ko sa kanya. He deserve it, right?

Dapat simula ngayon iwasan ko na sya.

Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Maybe its my siblings. Ramdam ko kasing gising na sila dahil mag-aayos na  para sa kasal. Yeah right, maiiwan akong mag-isa dito ngayon dahil doon sila matutulog sa resort na ipagdausan ng kasal.

We already planned it. Na maiiwan talaga ako dito mag-isa para may tao sa bahay. Pero ngayon dahil nag-away away na rin kami, mas mabuti pa lang dumito nalang ako.

Two knock and a voice filled my four sided room. “C-Claire, aalis na kami. Hindi ka ba talaga sasama?”

Boses iyon ni Clyde. Ramdam ko na parang may gaspang sa boses niya, baka may sakit sya o di kaya ay umiyak.

Hindi ako sumagot.

Silence filled the room again. Maya maya pa ay marahan itong umubo at kumatok ng isa. 

“Kumain ka na please?”

Hindi pa rin ako sumagot. I don't want to answer him. And what is he doing in my room? Sinabihan ko naman syang wag nang babalik dito!

“Ate! Aalis na po kami!” sumikip ang dibdib ko nang marinig ang boses ng kapatid kong babae. Nandyan pala sya. Gusto kong lumabas at yakapin ito pero hindi ko ginawa. Wala akong sapat na dahilan para lumabas. Ayokong makita ang pagmumukha ng babaerong mukha ni Clyde!

“Claire, please eat your food.”nahimigan ko ang paghihirap sa boses nito. “You didn't eat the whole time. Baka magkasakit ka.” may pag-aalala nitong wika na ikinatawa ko ng mahina. Yeah right, ang galing magpanggap. Ano namang pakialam nya kung hindi ako kumain?! Tsk

Hindi ako muling sumagot kaya maya maya pa ay naramdaman ko ang pag-alis ng mga yapak ng paa sa sahig.

Tumingala ako at pinigilan ang luhang nagbabadya na naman sa mga mata ko.
Ayoko ng umiyak!

Narinig ko ang boses ng sasakyan sa baba at maya maya pa ay umalis na rin ito. Isinubsob ko ang mukha sa lamesa at hindi ko na napigilan ang sariling naluha.

Ano nalang ang gagawin ko ngayon? Iniwan nga nila ako!


I was sobbing when my phone vibrated. Nakapatong ito sa hita ko kaya dahan dahan ko itong tinignan.

1 text message received

Wala sa sariling binuksan ko iyon. Numero lang ang nakalagay dito kaya hinalungkat ko na ang laman ng mensahe.

Just CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon