Chapter sixteen

953 19 2
                                        

CHAPTER 16



A lot of people will never get to experience this version of us but it's okay because a lot of people don't deserve to be in this chapter.

Tayo ang narito dahil may naniniwalang kayang-kaya nating lampasan to. Yung tipong tayo ang malakas kaya tayo nandito.

Its funny how our life is unfair and different to its pace. And it shocks that we should experience this shit just to see that we're worth it.

Inis akong lumabas ng bahay. Sinundan ng tingin si Clyde na ngayon ay papasok na sa bahay nila. It breaks me, seriously. Ako dapat ang mainis pero bakit mas galit pa sya sakin. What did I do?!

Marahas akong napamura sa sarili. Malakas nyang sinara ang pinto at wala akong naisip na dahilan kung bakit sya umaasta ng ganito. At ayaw na ayaw kong mag-overthink kasi alam kong ako lang ulit ang masasaktan.

Pinikit ko ang mga mata at akma na sanang pumasok sa bahay nang may pumaradang van sa harapan ng bahay. Lumabas mula doon si Aling Elsa at kasunod ang mga kapatid ko.

“Oh? Nandito ka pa pala, iha. Kamusta na si Cresinda?” she was referring to my mother. Mahinahon ang pagkakasabi nya ngunit the second question got me off guard. Nandito ka pa pala? What does she mean by that?

I force a little smile. “Nasa loob po si mama.”

Nakita ko ang pasimple nyang pag-irap kaya nakaramdam ako ng kunting inis. “Mabuti naman. Umalis kasi si mare sa kasal ng anak ko dahil dyan sa walang kwenta mong ama.”

Nabigla ako sa sinabi nya. Ang kaninang plastic na ngiti ay nabura. Kumunot ang noo ko at pinipigilan ang sariling singhalan sya. She don't have the rights to talk to my father like that.

“Nabalitaan kong kukunin ka na ng ama mo diba? Bakit hindi ka sumama para sa ganun mabawas-bawasan na ang inaalala ni mare. Hayst, hindi ka naman kasi nag-iisip.” wika nito sabay iling ng ulo na para bang nadidismaya sya.

Dinaga ang dibdib ko. Pinipigilan ko na lamang ang sariling makapagsalita ng masama sa kanya. Naiinis ako sa bawat labas ng mga kataga sa bibig nya. How could she said that in front of me?! Nasa harapan pa sya ng pamamahay namin!

Huminga ito ng malalim at bumaling sa likuran nya kung saan nandoon ang iilang nakikinig samin kanina pa. Ngayon ko lang din napansin na naroon ang babaeng kahalikan ni Clyde noong isang araw.

“Pakibaba ang mga gamit nila Cresinda riyan.” sigaw nito at muling humarap sakin. Nakataas na ang isang kilay. Bumaba rin ang tatlong babae at isa roon ang kinaiinisan ko.

Lumapit sakin ang dalawa kong kapatid kaya pinapasok ko na sila sa loob. Ngayon ay ako na lamang ang nakaharap sa apat na babae. May mga arogante silang tingin na nakapaslak sa puno ng kulorete nilang mukha.

“Ano pa po ang kailangan ninyo, Aunty?”

“Huwag mo sanang mamasamain, iha, pero sana mag-isip ka. Pagod na pagod na si Cresinda sa inyo ng mga kapatid mo at sakin nya lang ito nilalabas. Kung ako sayo sasama ako sa papa mo. Total, pareho naman kayo ng dugong nananalantay sa katawan nyo. Naaawa na rin ako sa ina mo.”

I bit my lips hard. Fuck! I can't take it anymore! “Aling Elsa...” huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata. Calm down Claire. “......hindi ko po hinihingi ang opinion mo at hindi rin ako interesado sa sasabihin nyo kaya sana po huwag nalang kayong makialam sa problema namin.” God knows how I wanted to scream right in front of her face!

Just CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon