Chapter Eighteen

7.5K 270 21
                                    


Elijah




" Malapit na ba tayo Darling? " napalingon ako sa katabi ko.

" Oo malapit na tayo..." Sagot ko.

Ngumiti siya at tumango sabay sandal sa balikat ko. Nasa byahe kami ngayon papunta sa probinsya kung saan ako lumaki at nagkaisip, ito na iyong oras na ipapakilala ko si joy Kay nanay. Kinakabahan nga ako sa kung ano ang magiging reaksyon ni nanay kapag nalaman niya na ikakasal na ako, hay... Hindi ko kasi nabanggit sa kaniya ang tungkol sa amin ni joy. Ang alam lang niya ay boss ko ito sa trabaho at hindi kasintahan, Sana hindi siya magalit sa akin.

Napabuntong hininga ako.

" What's wrong? " Napatingin ako kay Joy.

" Wala..." Sagot ko.

Napaayos siya nang upo at tiningnan ako na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

" B- bakit? " tanong ko.

" Lately napapansin ko wala ka sa sarili mo... May problema kaba? " Napaiwas ako nang tingin.

" Come on tell me..." Kumapit siya sa braso ko.

" Joy... Ano k- kasi.." Naghihintay siya nang sasabihin ko.

" Go on..." Nakangiti siyang inaantay ang sasabihin ko.

" H- hindi ko pa nasasabi kay nanay ang tungkol sa atin eh..." Utal kong sabi. At biglang nawala ang ngiti niya.

Hindi ko mabasa ang mukha niya ngayon.

" And why is that? " Ayan na ang nakakatakot niyang boses.

" Ka- kasi... Na- nakalimutan ko hehehe..." Nakangiwi pa ako. Masyadong mabilis kasi ang mga nangyari sa amin kaya hindi ko nabanggit kay inay.

Naningkit naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Mukhang magagalit siya sa akin ngayon dahil don.

" So- sorry kasi naman ang bilis nang mga nangyari sa atin kaya... Kaya ayun nakalimutan kong sabihin kay nanay..." Ayoko na magagalit si joy kasi kapag nagalit siya iba eh, hindi ko gusto iyon nakakatakot.

Bumuntong hininga siya.

" Kapag nakarating na tayo sa bahay niyo... I will tell it myself sa Mother in law ko about us.." Mother in law agad? Napangiti ako sa sinabi niya hahaha.

" Huwag na..." Sumama na naman and itsura ng mukha niya.

" Oh, Bago ka magalit patapusin mo muna ako... " ngumiti ako at siya naman ay nagbago na nang expression ng mukha.

" Huwag na kasi... ako na mismo ang pormal na magsasabi kay nanay tungkol sa ating dalawa..." Kahit pa anong mangyari at maging reaksyon ni nanay tungkol sa amin okay lang, siguro naman magiging masaya siya dahil may isang tao ang tumanggap sa pagkatao ko at mahal ako.

" Aww.. Your so sweet talaga Darling, pero! " nagulat naman ako sa pero niya hahaha.

" Hindi ka pa din abswelto hmmp! " napangiti at umiling ako sa inakto niya, para siyang bata hahaha.

Lumapit ako at hinalikan siya sa labi mabilis lang iyon. Pagkatapos non sumilay sa akin ang matamis niyang ngiti.

" Dahil don... Forgiven kana hahaha." Yumakap siya sa tagiliran ko at ganun din ako sa kaniya.

Sa ilang oras na byahe namin ay sawakas ay narating din namin ang probinsya ko.

" Joy..." Sabay tapik dito sa tulog kong katabi.

" Joy..." 

" Joy... "

Tulog mantika talaga siya hahaha.

Possessive Women Series: Trixie Joy CrimsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon