Trixie
" Hindi ka pa din ba niya kinakausap?" Tita ask me.
" Hindi pa din po.." Sagot ko.
Nakatingin ako ngayon kay Elijah habang nagsisibak ito ng kahoy.
Its my day two here at Elijah's house.
Nung gabing sabihan niya ako na umalis ay hindi ako nagpatinag sa kaniya. I know it's my fault but I want to make it up to her, I'll do everything mapatawad niya lang ako.
" Huwag kang magaalala hija, kakausapin ka din niyan hintayin mo lang... ganiyan lang siya magpalipas ng inis oh galit, hindi ka niyan kikibuin.." Wika ni Tita.
" Kasalanan ko naman po, kaya I'll endure it.." Tita tap my shoulder.
I shouldn't do that to her.
" Noong araw na umuwi siya dito sa bahay ay grabe ang iyak niya at pulit ulit niyang sinasabi na hindi mo na daw siya mahal..." Tumingin ako kay Tita.
" I'm sorry po.." Napayuko ako ng bahagya.
" Huwag ka sakin humingi ng tawad hija..." Tumingin ulit ako kay Elijah.
"Kapag nasa isang relasyon ka hindi talaga maiiwasan ang ganitong sitwasyon, Hindi pagkakaintindihan, away.. Malalampasan niyo din to, kung hindi niyo susukuan ang isat isa.." Dagdag pa ni Tita.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na ito sa tabi ko at pumasok sa loob nang bahay.
" Wala kabang balak umuwi?" Nabigla naman ako at nasa harap ko na si Elijah.
Nasa harap ko ito ngayon.
" Not unless sumama ka pauwi.." Sabi ko naman.
Kita ko pa din sa mukha niya ang inis nito.
" Wala akong balak na sumama sayo.." Pagkasabi niyang iyon ay nilampasan niya ako at pumasok sa loob ng bahay.
I signed.
Take it easy Trix, nasasabi niya lang iyan kasi masama pa din ang loob niya.
---
" Anak pwede bang ikaw na muna ang pumunta sa palengke at bumili ng kakainin natin para mamaya?" Wika ni Tita habang nandito kami sa sala at si Elijah naman ay kalalabas lang nang kwarto niya.
" Sige po nay.." Pagpayag nito.
" Ay oo nga pala, isama mo itong si Trixie para naman malibang siya hindi iyong nandito lang siya sa bahay at para na din may katulong ka mamili hehe.." Good one Tita hehe.
I ask her for help na magkaayos na kami ni Elijah thats why she's doing that.
" Nay kaya ko na ho magisa.. saka hindi naman iyan marunong mamalengke.." Rinig ko pang bulong nito.
" You're right tita! para naman po masanay na din ako incase na ikasal ako di po ba? " Masigla kong sabi.
Nakita ko namang nagtaas ng kilay sa akin si Elijah dahil sa sinabi ko.
I smirk at her at tiningnan ang reaksyon nito.
Nakita ko naman na parang nainis ito.
" Isama mo na anak, kesa naman dito lang siya sa bahay..." Tita said. Kita ko sa mukha ni Elijah ang pagsuko kaya napangiti ako.
Tumingin naman ako kay tita at nginitian ito at gumanti din naman siya ng ngiti sakin.
" We can use my car to go to the market.." I said.
" Hindi sa trycicle tayo sasakay papunta don.." Mahina namang niyang sabi.
Hindi na lang ako sumagot at hinintay na lang nang masasakyan namin.