Elijah
" Hmmm.." Hindi ako makagalaw, ano ba ito parang may nakadagan sa akin.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame. Inikot ko ang mata ko sa paligid, Teka parang pamilyar ang lugar nato.
" Hmmm... Elijah." Bigla akong napatingin sa gilid ko.
Joy?
Teka bakit siya nandito? At katabi ko pa siya. Anong nangyari kagabi? Argh. Napasapo ako sa ulo ko, Ang sakit ng ulo ko. Paano ba ako napunta dito sa bahay ni joy? Sa pagkakatanda ko nasa bar ako at kasama si Jamie. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa kasi tulog itong magandang babae sa tabi ko.
Hindi ako makatayo ngayon kasi ang higpit nang yakap sa akin ni joy iyong tipong ayaw niya talaga akong paalisin.
Dahan kong tinatanggal ang mga kamay niyang nakayakap sa akin.
" Hmmm.." natigil ako at tinitingnan si joy.
Nako, huwag ka munang gumising. Kailangan kong makaalis bago pa siya magising. Dahan ko ulit na inilayo ang mga kamay niya sa katawan ko at maingat itong nilapag sa kama. Nang matanggal ko na ang mga kamay niya at maingat akong bumangon nang sa ganon hindi siya magising.
" Hmmm... Darling ko.." napatingin ako kay joy, Nagsasalita siya nang tulog. Nanaginip ata.
Tahimik akong nakaalis sa kama niya at ingat na ingat sa bawat tapak ko sa sahig sabay naglakad ako nang dahan papuntang pinto, ilang minuto din bago ako nakarating sa mismong harap nang pinto. Hay... Sa wakas makakalis na ako.
" Where do you think your going?" Nanigas ang buong katawan ko sa boses na iyon.
Napalunok muna ako bago humarap kay joy na ngayon ay gising na.
Nangingiwi akong humarap sa kaniya. Pagharap ko sa kaniya ay nakacrossed- arm na siya at nakataas ang mga kilay.
" U- uuwi na sa- sana?" patanong na Sabi ko na nagpaiba nang ekspresyon niya.
" You're not going anywhere..." tumayo siya at humarap sa akin.
" After what you did to me last night? No darling, Hindi ka uuwi.." madiin niyang sabi. Anong?
" Ano bang nang-nangyari kagabi?" Utal kong tanong.
Lumapit pa siya sa akin na ngayon ay ilang dangkal na lang ang layo namin.
" You're drunk last night and you did something....... Horrible, Hindi kita mapapatawad....unless.." ngumisi siya sa akin at umakbay sa balikat ko. Iba siya makatingin sa akin ngayon.
Ano ba kasing ginawa ko at nagkakaganiyan siya ngayon? Isip Eli, isip.
" Ku- Kung ano man ang ginawa ko.... Sorry na." Tinitigan ko siya na tipong nagsusumamo.
" Kahit magpaawa kapa sa akin ngayon hindi ko tatanggapin ang sorry mo..." Napayuko ako.
" Pa-sensya kana talaga hindi ko naman kasi matandaan kung anong ginawa ko sayo kagabi eh.." nagiwas ako nang tingin.
" Gusto mo bang malaman kung anong ginawa mo sa akin kagabi?" Napatingin ako sa kaniya.
" A-ano?"
" well... Sumakit lang naman ang puson ko sa ginawa mo kagabi..." Nagtataka akong tumitig sa kaniya.
" Sinuntok ba Kita sa tiyan?" Hala! Dahil sa nangyari sa akin kagabi at doon sa paginom ko ay nawala na ako sa wisyo. Kaya pala galit siya sa akin.
" You idiot... Hindi mo ako sinaktan ng pisikal kagabi... Mas malala pa don.." nanlaki ang mga mata ko.