Elijah
" Hoy Eli.."
" Eli.."
" Elijah!?"
Napabalikwas ako dahil sa sigaw na iyon ni jamie.
" Ano iyon Jamie?" Nakapamewang siyang nakatingin sa akin.
" Tulala ka diyan kanina pa kita tinatawag eh.." napakamot ako sa aking batok.
" Pasensya na.."
" Kahapon ka pang ganiyan ah? Ano bang nangyayari sayo?" Tanong niya.
" Wala lang ito jamie..." Tanggi ko.
Hindi na talaga ako makapagisip ng maayos sumula nung..... simula nung sinabi ni Ma'am Joy na gusto niya ako, Hindi talaga ako naniniwala sa mga sinabi niya kaya binabagabag ako ngayon kakaisip. Hay, Elijah panigurado kaibigan lang ang turing niya sayo iyon lang iyon... imposibleng magkagusto sa akin si ma'am joy at saka babae ako at babae siya kaya malabo iyon.
" Hay naku...babae iyan ano?" Natigilan Ako sa sinabi niya.
" A-anong babae pinagsasabi mo dyan?" Utal kong sabi.
Umiwas ako nang tingin sa kaniya.
" Ay sus! Halata sayo friend...magsabi ka nga sa akin, may girlfriend kana ba?" Napalunok ako nang malalim.
" Wa-wala ano kaba.." panay ang lapit niya sa akin at tinitigan niya ako na parang hindi siya naniniwala sa akin.
" Talaga?" Usisa niya.
" O-oo naman.."
Ayokong sabihin sa kaniya ang mga ipinagtapat sa akin ni ma'am joy, Hindi sa walang tiwala pero mas mabuti kung ako na lang muna ang nakakaalam.
" What's going here.." automatic kaming naghiwalay ni Jamie nang marinig ang boses ni ma'am joy.
" Ahm, wala ho ma'am Trixie.." wika ni Jamie.
Tumingin naman ako Kay ma'am joy na nakataas ang mga kilay.
" Back to work... ayokong may naglalandian dito sa cafe ko." May inis niyang sabi.
" O-opo.." agad namang umalis si Jamie at bumalik sa pwesto niya.
Akamang aalis na din ako nang hawakan ni ma'am joy ang braso ko kaya napatitig ako sa kaniya.
" Come to my office now.." maotoridad niyang sabi.
Wala naman akong magawa kaya sumunod na Lang ako sa sinabi niya. Pagkapasok nga namin sa loob nang office niya ay agad siyang naupo sa upuan niya at ako naman ay nasa harap niya lang at nakayukong nakatayo.
" What is your relationship with Jamie?" Nagangat ako nang tingin sa kaniya.
" Po?"
" Okay...para mas malinaw, may relasyon ba kayong dalawa ni Jamie?" Napakunot noo naman ako.
Kami? Ni Jamie?
" Ma'am wala ho kaming relasyon.." napasandal siya sa swivel chair niya.
" Really?" Parang hindi siya naniniwala sa akin.
" Totoo Po.. kaibigan ko lang si Jamie, walang namamagitan sa aming dalawa.." huminga naman siya nang malalim nang sabihin ko iyon.
" Good..." Ngumiti pa siya sa akin.
Pagkatapos niya ako tanungin kung anong meron sa amin ni Jamie ay namayani sa pagitan namin ang katahimikan.
" Ahm..." Napatingin ako sa kaniya.