Epilogue

3.1K 148 11
                                    

" Thank you po sister sa pagpayag na magampon kami dito sa bahay ampunan niyo.." Wika ni Joy.

" Walang ano man hija, kami pa nga dapat ang magpasalamat dahil napili niyo itong bahay ampunan namin.. matutuwa ang mga bata dahil may pagkakataon ang isa sa kanila para magkaroon ng sariling pamilya.." Wika naman ni Sister.

" May mga ampunan na din po kaming napuntahan pero hindi nila kami pinagan na magampon dahil po sa.. alam niyo na.. sa relasyon na meron kami nang asawa ko.." Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niyang asawa niya ako.

" Alam niyo naman ho, may ibang mga tao pa din ang hindi tumatanggap sa amin.. sa relasyon na meron kami." Wika ko naman.

" Hindi kami nanghuhusga dito mga hija, ang diyos lamang ang may karapatang humusga sa bawat isa sa atin.. nagpapasalamat ako nang marami sa desisyon niyong magampon.." Ngiti pa nitong sabi.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Joy at ngumiti sa kaniya.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang ikasal kami ni Joy.

Masaya ang buhay may asawa pero minsan masakit din sa ulo haha. Pero okay lang sa akin ang ganon kung si Joy ang kasama ko, Maraming nagbago samin simula nang ikasal kami. Mas minahal ko siya at mas minahal niya din niya ako...

Ngayon nga ay nandito kami sa isang bahay ampunan para magampon. Isa ito sa mga pinagpilian naming dalawa, iyong isa ay ang IVF at ang isa naman ay ang pagaampon. Ilang beses kaming sumunok sa IVF pero hindi ito naging successful, kaya heto kami at magaampon na lang. Alam kong gustong gusto ni Joy na bigyan ako nang sarili ko anak, sarili kong dugot laman. Sinabi ko sa kaniya na 'okay lang kahit magampon na lang kami dahil ilang beses kaming sumubok pero wala pa din. Nalungkot siya nang sobra non pero paulit ulit ko din sinabi sa kaniya na okay lang sa akin ang lahat.

" I'm so excited na Hon.." Wika ni Joy na may pagkasabik.

Ngumiti naman ako sa kaniya.

" Kung ganon halina kayo at puntahan na natin ang mga bata.. pinapunta ko na sila lahat sa playroom nila para makita at makilala niyo sila isa isa.." wika naman ni Sister at tumayo.

Tumayo na din kami at sinundan si sister patungo sa mga bata.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating din kami sa isang kwarto.

" Nandito na sila lahat.." Wika ni Sister at binuksan ang pinto.

Bumungad samin ang mga batang sa loob nang kwarto, may mga nagalalaro may nakikita naman akong nagsusulat at may mga nagbabasa at naghahabulan.

" Mga bata meron tayong mga bisita.." Napatingin naman ang mga bata sa amin.

Tumigil ang mga ito at humilera sa harap namin.

" Mga bata alam niyo na bakit sila nandito hindi ba?" Tanong ni Sister sa mga bata.

" Opo!" Sabay sabay nitong sagot.

" Okay sige, balik na kayo sa mga ginagawa niyo.." Wika ni Sister.

Bumalik na ito sa kani kanilang ginagawa.

Napatingin naman ako kay Joy.

" Ikaw na ang pumili mahal.." Sabi ko sa kaniya.

" No, ikaw dapat ang pumili.." Pinaharap ko siya sa akin.

" Kung sino man ang piliin mo iyon na din ang akin, kung sino man ang magustuhan mo sa kanila tatanggapin ko nang buong buo.." Napangiti naman siya.

Tumango siya at bumaling nang tingin sa mga bata.

Hinayaan ko siyang lumapit sa mga bata at masaya ko lang siyang pinagmamasdan dahil isa isa niya talagang kinakausap ang mga ito.

Possessive Women Series: Trixie Joy CrimsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon