Elijah
" Please lang huwag kang magbiro ng ganiyan.." Pagkatapos niyang sabihing gusto niya ako eh lumayo ako sa kaniya.
" I'm not joking Elijah, I like you.. from the very first moment that I saw you, nagustuhan na kita." Sabi nito at akamang lalapit sa akin.
" Huwag kang lalapit dyan ka lang.." Natigilan ito.
" Mahal ko ang kaibigan mo kaya please lang kalimutan mo na kung ano man ang nararamdaman mo sa akin kasi si Joy lang ang mamahalin ko."
Nakita ko naman na nagbago ang facial expression nito.
" Well sorry Elijah, too late.. " Bigkas nito.
" I'll do whatever it takes to get you, mark my word..." Napalunok ako sa sinabi nito.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na ito ng condo.
Huwag mo nang masyadong isipin iyon Elijah lasing lang siguro iyon kaya niya nasasabi ang mga iyon. Tama lasing lang iyon.
Agad na akong nagtungo sa kawarto namin ni Joy para asikasuhin ko siya. Nilinisan at binihisan ko siya.
Hinawi ko ang buhok nito na tumatakip sa kabuuan ng kaniyang mukha pagkatapos ay kinumutan ko siya at hinalikan sa noo.
" Good night mahal ko..."
Kinaumagahan nga ay maaga akong nagising dahil ipagluluto ko si Joy panigurado masakit ang ulo non dahil sa paginom niya kagabi.
Habang busy ako sa pagluluto ay napansin kong bumukas iyong pinto ng kwarto namin.
" Good morning mahal ko.." Bati ko kay Joy na kakagising palang.
" Good morning Darling ko.." Bati niya pabalik at papunta na sa kinaroonan ko.
Nagpatuloy ako sa paghahalo ng niluluto ko, naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Joy sa likod.
" Masakit ba ulo mo?" Tanong ko.
Napasandal iyong ulo niya sa likod ko. Tumango lang siya bilang sagot.
" Maluluto na itong niluluto kong sopas umupo kana don sa sala.." Sabi ko pero hindi pa din siya umaalis sa likod ko.
" Joy umupo kana don.." Utos ko sa kaniya at sinunod naman na niya.
Hinanda ko na ang pagkain sa lamesa pagkatapos kong magluto, sinalinan ko siya ng pagkain sa mangkok.
" Kain ka marami ha?" Hinawakan ko pa ang ulo nito, tumango siya bilang sagot.
" What happened nga pala last night?" Biglang tanong ni Joy.
" Tumawag sakin iyong kaibigan mo kagabi na lasing ka nga at kailangan kang sunduin, ayun pinuntahan kita at inuwi dito sa condo.." Tumango tango naman siya.
" How about Ems? nakauwi ba siya ng mabuti.." Natigilan ako sa sinabi niya, naala ko tuloy iyong nangyari kagabi.
" Hindi ko na siya nahatid eh, kaya naman daw niya umuwi saka hindi naman siya ata gaanong nakainom kagabi.." Sagot ko.
" I'll just text her na lang.." Kinuha niya iyong cellphone niya at umupo ulit sa hapag.
Busy lang ako sa pagkain ko habang siya ay kumakain habang katext iyong kaibigan niya.