Elijah" Tita mali po kayo nang iniisip..." Naku naman itong si tita kung ano ano ang iniisip niya.
" Eh ano?" Tumingin muna ako kay ma'am Trixie.
" Boss ko Po si ma'am Trixie sa pinapasukan kong trabaho nakita ko ho siya sa daan kanina kasi nasiraan siya nang sasakyan tapos nanakawan pa siya..kaya ayon tinutulungan ko siya." Paliwanag ko.
" Ah.. pagpasensyahan mo na ako ma'am hehehe.." paumahin ni tita.
" It's okay.." sabi na lang ni ma'am Trixie.
" Inaayos pa kasi iyong sasakyan ni ma'am Trixie kaya inimbitahan ko muna siya dito.." napatango tango naman si tita.
" Akala ko talaga nagtanan kayo hehe.." nangiwi naman ako.
" Bakit nga pala gising pa kayong lahat?" Madaling araw na pero gising pa rin sila.
" Ganito talaga sila...gusto nilang nagpupuyat.." baling ni tita sa mga borders niya.
" Siya nga pala tita kailangan nang magpahinga ni ma'am Trixie .." sabi ko.
" Oh siya dalhin mo na siya sa kwarto mo.." tumango na lang ako.
" Halika na ma'am..." Hinawakan ko siya sa kamay.
Naglakad na kami pataas papuntang kwarto ko.
" Pagpasensyahan niyo na itong kwarto ko ma'am ah?" Lingon ko sa kaniya na pinagmamasdan ang kwarto ko.
" No, it's fine with me...thank you." Ngumiti ako.
" Sige ho magpahinga na kayo.." Sabi ko at naupo sya sa maliit na kama ko.
" How about you?"
" Ahm, sa sahig na lang ho ako matutulog..." Sabi ko.
" No, tabi na lang tayo.." maliit ang kama ko eh Hindi kami magkakasiya.
" Hindi na ma'am kayo na lang, Hindi naman tayo kasya diyan eh.." Sabi ko na Lang.
" Oh, Tama ka..." napatingin pa siya sa kama ko.
" Maglalatag na Lang ho ako nang banig.." sanay naman na akong matulog sa lapag eh.
Tumango na Lang sya sa akin at ako naman ay lumabas para humingi nang banig kay tita.
" Tita may extrang banig ka diyan?' tanong ko sa kaniya.
" Oo ayun oh?" Turo nito kung saan nakalagay ang banig.
Kinuha ko na ito.
" Ang ganda pala nang boss mo ano.." tumingin ako kay tita.
" Oo nga po.." Hindi makakaila iyon na napakaganda nito.
" Sabihin mo sa akin ang totoo pamangkin... Boss lang ba talaga?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
" Tita, boss ko lang ho talaga si ma'am Trixie.." tumango tango naman siya.
" Ganun ba?" Tumago ako.
" Talaga po.." akmang lalabas na ako nang hawakan ni tita ang braso ko.
" Kung sakaling magkatuluyan kayo approved ako hehehe.." napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ni tita.
" Kayo talaga..." Lumabas na ako sa kwarto niya at umakyat na sa kwarto ko.
Naabutan ko si ma'am Trixie na hindi pa rin nakahiga at nakaupo pa rin sa kama ko.
" Bakit Hindi pa ho kayo natutulog?" Tanong ko dito.