Chapter Twenty Seven

2.7K 137 8
                                    


Trixie


" Anak wala kabang balak na kausapin si Elijah? Isang linggo na siyang pabalik balik dito sa bahay para kausapin ka." My mom asked.

" No mom... I don't want to talk to her."

Its been a week nang umuwi ako dito sa bahay nila mom.

" Alam mo naman na hiwalay na kami diba? I broke up with her.."

Umupo sa tabi ko si mom dito sa kama.

" Honey.. Alam kong nahihirapan ka ngayon dahil sa kondisyon mo.." I told mom about my case na hindi ako pwedeng magkaroon ng anak.

" At alam kong nahihirapan na din si Elijah sa sitwasyon... it's been a week... Isang linggo mo na siyang iniiwasan, this is not gonna solve the problem.. you must talk to her.." Hinawakan ni mom ang buhok ko at hinawi ito.

I've been crying every night nung malaman ko na hindi ako pwedeng magbuntis. Its my dream to have a child with the person that I love, but I can't give her that..

" Mom its better na naghiwalay kami..."

" Talaga ba? gugustuhin mong maghiwalay kayo kesa ayusin ang problema niyo? Anak, hindi mo pwedeng takbuhan ang problema... kailangan niyong sulusyunan iyon, you two must talk things out.. And one more thing.. gusto mo talagang mawala siya sayo? Balita ko maraming nagkakagusto dyan kay Elijah, ikaw din.. sayang iyon."

" Mom, this is not the time to joke around.."

" I'm not joking here dear.. you know what I'm saying.. Elijah is one of a kind at alam kong alam mo iyan, I know how much you love her.. so don't let her go."

" Knowing Elijah she loves you so much..."

" Kung gusto mo talagang magkaroon kayo ng anak, you can hire some surrogate mother para iyon ang magdala nang anak niyo hindi ba? or maybe mag adopt kayo.."

Napaisip ako bigla sa sinabi ni mom.

" There is still a chance, Anak... you can have what you want, Gaya nga nang laging sinasabi ng daddy mo... There is always a way for everything."



Elijah




" Ilang araw ka nang tulala... Wala kabang balak na sabihin sa akin kung anong problema?" Tanong sa akin ni Inay.

Umuwi ako sa probinsya dahil gusto kong makapag isip isip.

Ilang beses ako nagtangkang kausapin si Joy sa bahay nila pero ayaw niya akong kausapin at ayaw din niya akong makita.

Sobrang nasaktan ako sa pakikipaghiwalay niya sakin.. Bakit ganon ganon na lang sa kaniya kadali ang sabihin ang bagay na iyon.

" Nakipaghiwalay po sa akin si Joy.."

" Ha? Bakit naman? anong nangyari?" Nakita ko naman na nagulat si Inay sa sinabi ko.

Sinimulan ko nang ikwento kay Inay kung anong nangyari sa amin ni Joy, lahat lahat ay sinabi ko.

" Naiintindihan ko si Trixie kung bakit niya nagawa iyon.." Napatingin ako kay Inay.

" Natatakot siya na baka sa bandang huli iwan mo din siya pagdating nang panahon kung maisip mong magkaroon ng anak.. gusto niyang mabigay iyong gusto mo, pero hindi niya kaya.. "

" Nay.. kilala niyo ako, ni hindi ko pinangarap ang magkaroon ng anak dahil sa kondisyon ko... ni hindi ko nga maiisip kung bakit binigay ng tadhana sa akin si joy, nasa punto na ako ng buhay ko na inisip kong walang magmamahal sa akin kasi hindi ako normal.. pero dumating siya sa buhay ko.."

Possessive Women Series: Trixie Joy CrimsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon