Chapter Twenty Three

2.9K 92 4
                                    


Elijah

" This is heaven darling.." Mahinang bigkas nito.

Magkayakap kami ngayon sa higaan pagkatapos ng ginawa namin. Nasa condo kami ngayon ni Joy na siyang binili niya para sa aming dalawa, dalawang buwan na din kaming naninirahan dito.

" Anong iniisip mo?" Tanong ni Joy.

" Wala.." Bahagya ko siyang tiningnan.

Umangat ito ng bahagya at tiningnan ako.

" What is it? tell me.."

" Sigurado ka ba talaga na papakasal ka sakin?" tanong ko.

" Elijah..." Mahina niyang wika.

Umupo kami pareho sa kama.

" Wala akong kahit anong maipagmamalaki, hindi ako mayaman, Kung ikukumpara sa estado ng pamumuhay nating dalawa.. magkaiba tayo.." Magkaibang-magkaiba.

" Bakit mo naiisip ang mga iyan? Wala akong pakialam sa kung anong meron ka oh kahit ano..."

Hindi ko maiwasan na isipin ang mga bagay na iyon.

Hinawakan ko ang mga kamay nito.

" Pasensya na kung ganito lang ako ha.."

" Elijah... I love you okay? I don't care of those things, Ang importante sakin ay ikaw..."

" Eh kasi-"

" Stop thinking about it okay? as long as we love each other, I don't care about other things... And for your concern na baka magbackout ako sa kasal natin its a no, You're stuck with me forever okay?" Binigyan niya ako ng napakagandang ngiti.

" Mahal mo talaga ako no?" Ngumiti ako ng pilya na ikinataas naman ng kilay nito.

" Of course! I love you kaya..." Mahina akong tumawa.

" Elijah?" Tawag niya.

" Hmmm?"

" Promise me that you'll love me forever, na ako lang.." Inilahad pa niya ang kaniyang hinliliit sa akin.

" Pinky promise.." sabi pa niya.

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

" Pangako.."

" Okay its sealed.." Mahina akong tumawa sa inakto nito para kasi siyang bata sa inasal niya.

Humiga ulit kami sa kama at niyakap nang mahigpit ang isat isa.

" Don't think too much about that again okay?" Nagsumiksik ito sa leeg ko at hinalikan ko ang kaniyang noo.

" Mahal kita Joy.." Wika ko at hinalikan ulit ito sa kaniyang noo.

" I love you more.." Hinalikan naman niya ako sa labi.

" Wait a minute, you always called me by my name.. bakit hindi mo ako tinatawag sa eanderment natin?" Tiningnan ko siya.

" Eh, Hi-hindi ako sanay hehe.." Hindi talaga saka gusto niya tawagin ko din siyang darling eh parang ang baduy kasi.

Nangiwi ako.

" You don't like when i call you darling?"

" Hindi naman.."

" All this time ako lang ang gumagamit sa endearment natin.." Ayan na po siya nagtatampo na naman.

" Eh ang baduy kasi.." Sinamaan niya ako ng tingin.

Kumalas ito nang yakap sa akin at tumalikod sa akin.

Possessive Women Series: Trixie Joy CrimsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon